Chapter 56: Double Celebration

66.1K 634 66
                                    

One and a half year after..



“Congratulations Princess.” Bati sa’kin ni Mommy

“Thank you Mom. Hindi ko to narrating without your help and your support. Thank you for staying on my side kahit na andaming kong nagawang mali. I can’t thank you enough…”

“Shhh…”

Inilapat ni Mommy Yumi ang dalawang daliri ng kamay niya sa labi ko para putulin ang mga sasabihin ko pa sana.

“Ako dapat ang mag thank you Princess dahil kahit kalian hindi mo kami binigyan ng Daddy mo ng problema.”

Saka ako niyakap ni Mommy. Niyakap ko na din siya pabalik. I’m so lucky to have her as my Mom.

“I’m so proud of you Princess.”

“Thank you Mom.”

“How about me Princess? Wala bang hug si Daddy?”

Sabi ni Daddy habang pinapout ang lips niya. Nagtawanan nalang kami ni Mommy dahil sa ginawa ni Dad.

“Of course meron Dad.”

Saka ako kumawala sa pagyakap kay Mommy at nilapitan si Daddy para yakapin siya.

“Congratulations Baby. Kahit na graduate kana baby ka parin sa paningin namin ng Mommy mo Yumi mo.”

“Thank you Dad.”

“Katulag ng Mommy mo. I’m so proud of you. Hindi ka lang gumadruate, you graduated with flying colors.”

Sabi ni Dad habang ginugulo niya ang buhok ko.

“Dad, huwag mong guluhin ang buhok ko. Magkikita pa kami mamaya ni..”

“Xander?” heheheh..”

Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil si Kaylee na ang mismong nagdugtong.

Kumawala ako sa pagyakap kay Dad at hinarap si Kaylee.

“Kaylee!”

Bulalas ko.

“Congratulations Kaylee / Congratulations Louise.”

Sabay naming bati sa isa’t-isa habang nagyayakapan kami.

Pagkatapos ng labing apat na taon na pahihirap sa paaralan, natapos nadin ako. Pero hindi naman lahat paghihirap lang dahil andaming mga magagandang nangyari sa loob ng labing apat na taon na inukol ko sa pag-aaral. Ngayon, mga alaala nalang ang mga karanasang iyon na mababaon ko hanggang sa pagtanda ko.

“Si Xander?”

Tanong sa’kin ni Kaylee pagkatapos naming magyakapan.

“Ngayon din kasi ang graduation niya kaya hindi na siya nakapunta.”

Sagot ko kay Kaylee.

“Ay oo nga pala nakalimutan ko.”

Saba yang graduation namin ni Xander kaya lang eh magkaibang venue. Naawa gnga ako kay Xander dahil wala ang Daddy niya para panoorin siya habang inaabot sa kanya ang diplomat niya kaya lang wala na kaming ibang magagawa.

Pero dahil sa kagustuhan naming mapasaya si Xander kahit papano, naisip ni Kuya Andrey na siya nalang ang aatend ng graduation ni Xander kasama si Ate Eli.

*Riing* *Riing*

Kinuha ko agad ang phone ko sa bag habang busy naman sila Mommy at Daddy sa pakikipagkwentuhan kina Tita Jane at Tito Paolo.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon