Chapter 54: STOP!

58.6K 519 42
                                    

Xander’s POV

Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil pagkatapos ng araw na’to matatapos nadin ang lahat. Makakawala na ako sa impyernong kulungan na ‘to, makakawala na ako mula sa pagkakatali k okay Megan, makukulong narin si Raven at higit sa lahat makikita ko na ulit si Mushroom, mahahawakan at mahahagkan.

Pero kapalit ng kalayaan ko ang kalayaan ni Dad. Kung pagiging isang mabuting ama lang ang basehan para hindi makulong ang isang tao, sigurado akong hindi na niya kailangang makulong pa. alam ng Diyos kung gaano siya nagging isang mabuting ama sa’kin. Marami kaming hindi pagkakaunawaan non pero ngayon alam ko na na ginawa lang ni Dad ang lahat ng iyon para sa ikabubuti ko. Pero ganun pa man, sangkot parin si Dad sa sindikato at may pagkakasala siya sa batas kaya kailangan niyang pagbayaran ito.

*FLASHBACK*

“Kailangan mong tanggapin ang plano ng Daddy mo Xander.”

Malakas na bulong sa’kin ni Eli. Mabuti nalang talaga at nakahanap kami ng pagkakataon para makapag-usap na kaming dalawa lang.

“Papano ko tatanggapin iyon kung kapalit ng kalayaan ko ditto ay ang kalayaan ni Dad. Hindi lang si Raven ang makukulong, pati narin si Dad.”

Hindi ko kayang Makita si Dad na nasa kulungan. Ayokong mangyari sa kanya iyon.

“Alam ng Daddy mo iyon Xander, kaya niyang isuko ang sarili niya sa mga pulis para lang makalaya ka dito. Para makalaya ka kay Raven.”

“Kung kalayaan ni Dad ang kapalit ng kalayaan ko, mas mabuti pang huwag nalang. Mas gusto ko pang makulong ditto habang buhay kesa makita kong nakakulong ang ama ko.”

“Pero papano na si Louise? Kakalimutan mo nalang siya ng ganun ganun lang? Pagkatapos ng ginawa namin, susuko ka nalang?”

Biglang bumalik ang lahat ng mga alaala naming ni Louise. Andami na naming pinagdaanan at andami na nilang ginawa para lang mahanap ako. Hindi ko siya pwedeng isuko, hindi ako pwedeng sumuko.

“Hahayaan mo nalang na makasal ka kay Megan ? Tapos ano? Magiging ama mo narin si Raven at magiging bahagi ka na ng sindikato? Xander sisirain mo lang ang buhay mo kung magpapakasal ka kay Megan. Isipin mo naman sana ang mangyayari.”

Tama si Eli.

“Alam ko..Alam ko..Pero hindi ko kayang makita si Dad na..”

Hindi ko parin makayanan na makulong si Dad.

“Huwag kang mag-alala Xander, sigurado akong bababa ang sentensya ng Daddy mo dahil makikipagtulungan siya sa mga pulis.”

Kailangan kong pumayag sa plano ni Dad. Ito nalang ang tanging paraan.

Nong una, plano ko lang takasan si Raven at Megan sa mismong araw ng kasal namin, pero kahit matakasan ko sila, mauulit at mauulit parin ang mangyayari. Pagtatangkaan na naman nila ang buhay ni Louise at ikukulong nila ako.

Hangga’t hindi mahuhuli at makukulong si Raven, hindi kami ligtas ni Louise. Kahit sang lungga pa kami magtago ni Louise, sigurado akong mahahanap at mahahanap parin kami ni Raven.

“Pwede naman nating tulungan ang Daddy mo habang nasa kulungan siya diba? Ang importante lang Xander makalaya ka ditto.”

“Pumapayag na ako.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon