Chapter 32: A Favor to Ask

67.6K 554 121
                                    

POV of Xander’s Dad

“Iyon lang ba ang sasabihin mo Raven? Kasi kung wala na aalis na ako.”

Tatayo nasanaako sa upuan ko dahil hindi na muling umimik pa si Raven pero nagsalita ulit siya pagkatapos ng sampung segundo.

“Actually Alexander, hindi ako nagpatawag ng meeting para sabihin sa inyo ang tungkol sa malaking kliyente natin kundi may hihilinginsanaakong pabor sa’yo.”

Sabi ni Raven habang hinawakan niya ang kanyang itim na baston ng mahigpit. Ilang taong nading akong nagtatrabaho kay Raven at palagi siyang humihingi ng pabor sa’kin bilang kanang kamay niya pero alam kong ibang pabor ang gusto niyang hingin ngayon.

“Anong pabor naman iyon?”

Kahit may kutob akong hindi maganda ang hihingin niyang pabor, tinanong ko parin siya.

“You see.. Alam mo namang mahal na mahal ko ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat para kanila. Katulad mo ama din ako kaya alam mo ang nararamdaman ko ngayon. Kinausap ako ng unica ija ko kagabi at may hiningi siyang pabor sa’kin…”

Nakinig lang ako ng maigi sa sinabi ni Raven pero hindi pa niya natapos ang sasabihin niya ng bigla nalang may nagbukas ng pinto. Hindi ko inasahan na pupunta pala siya dito. Nakita ko na siya minsan pero hindi sa ganitong lugar.

 “Hi Dad!”

Bati niya sa ama niya habang nilapitan niya ito at hinalikan ang kanang pisngi ni Raven.

“Hi baby, I did not expect you to come here.”

Sabi naman ni Raven habang niyakap ang anak.

“Hmm.. Naka istorbo ba ako sa inyo?”

Tanong ng anak habang umupo sa isa sa mga upuan.

“No, not at all. Actually sakto lang talaga ang dating mo, pinag-usapan na namin ni Alexander ang tungkol sa pabor na hiningi mo kagabi.”

Hindi parin mabuo sa utak ko kung ano talaga ang pabor na hihingin ng anak niya mula sa’kin.

“Hi Tito Alexander. I’ve heard a lot of good things about you from Dad. By the way I’m Megan.”

Tumayo si Megan mula sa kinaupuan niya at lumapit sa’kin para makipag beso.

“Hello Megan.”

Maikling bati ko sa kanya saka naman siya umupo pabalik.

“Actually Tito Alexander, may pabor posanaakong hihingin sa inyo. Kung hindi po nasasabi sa’yo ni Xander eh magkaklase po kami nong highschool at simula non gustong gusto ko na po siya. Palagi ko pong hinihintay non kung kailan manliligaw sa’kin ang anak niya kaso nga lang po eh itong si Xander eh sobrang torpe. Kung pwede langsanana ako na iyong manligaw sa kanya, pero hindi naman po pwede kasi nga po babae ako at ayoko namang masira ang image ko. Kahit alam na alam ko pong gusto din ako ni Xander, hindi ko po ginawang manligaw sa kanya.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon