Chapter 51: He's here

55.4K 502 26
                                    

Eli’s POV

Nagpresenta na si Megan na kotse nalang niya ang gamitin namin. Napaka uto uto talaga ng babaeng ‘to, hindi ko inasahan na magiging ganito lang kadali ang trabaho ko.

“You know what Cynth, I really like you. Hindi ka talaga katulad ng ibang mga girls na lumalapit lang sa’kin para sumikat.Parasilang mga linta.”

Sabi ni Megan habang iniikot niya ang manibela ng kotse.

“Thank you. Hehe”

Tumawa naman ako ng mapakla.

“Pwede bang from now mag bestfriends na tayo?”

Paraakong nandidiri sa tanong niya. Ayokong magkaroon ng bestfriend na katulad ni Megan, pero kailangan kong tumango ngayon.

“Sure.”

“So pwede bang ikaw nalang ang maid of honor ko this Saturday? Hindi pa kasi ako nakakahanap eh.”

Hindi mo na kailangang maghanap Megan dahil walang kasal na matutuloy ngayong Sabado.

 

Huwag ka masyadong umasa.

 

“It would be my pleasure Megan.”

Hindi nagtagal inihinto nadin ni Megan ang kotse sa harap ng malaking gate.

“Dito na ba ang bahay ng fiancé mo?”

Tanong ko sa kanya.

“Nope. Bahay ko iyan.”

Bahay ‘to ni Megan?

Andito ba si Xander?

Dito nila ikinulong si Xander?

“Let’s go?”

Tanong ni Megan.

“Hindi ko na lang ipapasok ang kotse sa loob, ihahatid pa kasi kita sa inyo later.”

Tumango lang ako at binuksan ang pinto sa front seat.

“Halika pasok na tayo.”

Hinawakan ni Megan ang kamay ko at mahinang hinila papasok sa kanilang gate. Gate palang ng bahay nila ang laki na, pano pa kaya ang bahay nila?

May guard na nagbukas ng gate para sa kanya.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon