Chapter 38: Not an Accident

58.7K 493 43
                                    

Xander’s POV

Katatapos lang ng exam ko at palabas na ako ng school namin. Nakita ko agad si Louise sa harap ng sundae shop malapit sa school namin, kasama niya ang isang batang lalaki. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Louise.

(Hello?)

“Mushroom!”

(Tapos ka na sa exam mo? Asan ka? Andito lang kami ni Kaylee sa sundae shop sa tapat ng school, dito ka namin hihintayin.)

“Andito ako sa tapat mo..”

Kumaway ako kay Louise na nasa kabilang daan lang. Kahit sa malayo ang ganda niya parin, lalong lalo na sa malapitan.

“BACON!!”

Sigaw niya sa’kin habang kumakaway sa’kin pabalik.

Tatawid nasanaako ng daan ng biglang tumawid iyong batang lalaki na kasama ni Louise. Hindi ko alam kung kaano-ano niya iyon.

Hindi ko agad napansin na may kotse palang papalapit sa bata, huli na ng malaman kong masasagasaan iyong bata paghindi siya makatawid agad.

Pero laking gulat ko nang bigla nalang tumawid si Louise at tinulak ang bata papunta sa’kin. Sobrang bilis ng pangyayari..

*BBEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPP!*

Parang nabasag ang puso ko ng makita ko si Louise na nabundol ng sasakyan.

 “MUSHRROOOOM!!!”

 “LOUISEEE!!”

 “AHHHHHHHHHHHHHH!!!”

Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na ako magalaw sa kinatatayuan ko. Nabangga si Louise sa harap ko mismo. Hindi ko man lang siya nasalba, wala man lang akong nagawa para pigilan ang pangyayari. Hinayaan ko nalang na mangyari iyon. Tumayo lang ako na parang tanga hanggang sa nabangga siya ng kotse.

Halo-halong emosyon na ang naramdaman ko, nangangatog na ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko hindi na kayang suportahan ng mga tuhod ko ang katawan ko.

“Louise!”

Nakita kong lumapit si Kaylee kay Louise. Hawak hawak ni Kaylee sa braso niya si Louise.

“Tumawag kayo ng ambulansya!”

Sigaw ni Kaylee.

“XANDER!!!”

Saka lang ako bumalik sa ulirat ko. Tumakbo ako sa gitna ng daan para lapitan si Louise, saka ko siya hinawakan sa mga braso ko.

“Mushroom? Mushroom gumising ka.”

Mahina kong tinapik ang mga pisngi niya pero hindi parin niya binubuksan ang mga mata niya. Sobrang kaba at pagkatakot na ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Louise.

“MUSHROOM!”

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha sa pisngi ko mula sa mga mata ko.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon