Chapter 12: Mysterious Girl

84.1K 821 37
                                    

AN: I'm staying at my kuya's place for 10 days and walang internet doon kaya hindi ako nakapag ud kahapon. sorry.. i still have 8 days and 8 nights to go T__T. I'll try my best para makapag ud parin everyday, pero hindi na ako makakapag online buong araw. kawawa me. tc everyone

-------------------------------------------------------

WAAAAA!!!!

“Excuse me. Excuse me.” Narinig kong sabi ni Ma’am Julie

“Ma’am.” Sabay pa kami ni Xander nagsalita

“Pwede niyo bang ma explain kung bakit kayo dito natulog?” tanong ni Ma’am

“Ma’am kasi po. Nalock po iyong pinto kagabi kaya hindi kami makalabas.” Si Xander na iyong nagsalita para sa amin.

“Nalock? Bakit ba kasi kayo nagpunta dito habang nasa party ang lahat? Aminin niyo, may itinatago ba kayong relasyon?”

Pareho kaming nagulat sa tanong ni Ma’am Julie. Pati yong mga schoolmates namin na nakapaligid pinag-uusapan na kami ni Xander. Nagbubulungan.

“Ma’am, it’s not what you think.” Sabi ni Xander

“Ma’am, baka pwede po na hindi nalang ‘to makakarating sa parents ko.” Pakiusap ko kay Ma’am.

“I’m sorry Miss Montefalcon pero tinawagan na naming ang parents mo kagabi pa.”

“PO???”

Sinabi na nila sa parents ko? Ibig sabihin. Ibig sabihin.

“I’m sorry Miss Montefalcon. Hindi mo naman kami masisi kung sinabi naming kaagad sa parents mo. Buong gabi ka naming hinanap. Inakala naming na baka nahulog ka na ng barko at tinangay ng mga alon sa dagat.” Pagpapaliwanag ni Ma’am

“Mas mabuti na pumasok na kayong dalawa sa mga kwarto niyo. Magpapahatid nalang ako ng pagkain para sa inyong dalawa.” Pagpapatuloy ni Ma’am

“Ahh Ma’am. Ano po ba sinabi ng parents ko?” tanong ko

“Kayo nalang bahala mag-usap ng personal mamaya ng Daddy mo.” Tapos tumalikod na si Ma’am. Nagsialisan nadin iyong mga schoolmates naming.

Mamaya? Anong ibig niyang sabihin sa mamaya?

“Ma’am saglit lang po. Bakit po mamaya? Diba po Sunday pa iyong uwi natin? Saturday palang po ngayon.”

“Louise, pauwi na tayo ngayon.” Bulong sa’kin ni Kaylee na kanina pa pala andito sa tabi ko. Hindi ko man lang namalayan.

“Pauwi na tayo? Ngayon na?”

Tumango lang si Kaylee. Bakit daw? Akala ko bukas pa? Dahil sa nagsialisan na nga iyong mga schoolmates at teachers namin, kaming tatlo nalang ni Kaylee at Xander ang naiwan.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon