Chapter 16: Double Date

80.8K 806 186
                                    

“Hindi ka talaga nagkamali sa desisyun mo Louise. Alam mo kailangan mo ring bigyan si Aaron ng chance. Patay na patay talaga iyon sa’yo. And isa pa, kailangan mo ring pagbiyan iyang sarili mo para makalimutan mo na si Xander.”

Nagulat ako don sa sinabi ni Kaylee. Bakit parang pinagdidiinan niya talaga na kalimutan ko dapat si Xander? Anong akala niya sa’kin aagawin ko si Xander sa kanya? Tss. Hindi tuloy ako nakasagot sa sinabi niya. Tumahimik lang ako.

“Opps! Sorry my bad.” Tinakpan ni Kaylee iyong bibig niya gamit ang dalawang kamay niya. Hindi ko alam kung sinadya ba niya talaga iyong sinabi niya kanina o dumulas lang talaga iyong dila niya. But either way, medyo nasaktan ako don.

“So anongplanoniyo?”

“Planopara saan?”

“Para sa date niyo?”

Date?Plano? Kailangan ba talaga naming magplanopara sa date namin ni Aaron? Diba dapat si Aaron lang iyong nagpaplano non?”

“Kaylee I think you got it wrong. Hindi pa kami ni Aaron. Binigyan ko lang siya ng chance na makapanligaw. Nasa sa kanya na yun kung paano niya ako liligawan.”

“Alam ko naman yun Louise pero hindi mo dapat hinahayaan nalang si Aaron. Dapat mo rin siyang tulungan. Pwede din naman kayong dalawa iyong mag-isip para sa first date niyo. Ganun din kasi iyong ginawa naming ni Xander, kahit hindi ko pa siya sinasagot nag-uusap parin kami kung saan kami pupunta. Iyong mga tipong ganun.”

Xander na naman? Tss. Nagsasawa na talaga ako kakarinig ng pangalang Xander. Kanina pa siya satsat ng satsat sa Xander niya.

“How about double date Louise? Ano payag ka?”

“Double date?”

“Oo. Bukas 3 pm may date kami ni Xander sa amusement park. Mas maganda kapag sasama kayo ni Aaron. The more the merrier diba? So ano? Payag ka?”

Hindi ko alam kung ano na naman iyong gustong palabasin ni Kaylee. Pero ayoko talagang pumunta. Maiilang lang ako lalo na at andun si Xander.

“Huwag nalang siguro Kaylee. Baka makakaistorbo lang kami ni Aaron sa date niyo. Sa iba nalang kami pupunta.”

“Louise. Ano ka ba? Syempre hindi kayo makakaistorbo. Sige na, pumayag ka na.”

“Huwag na talaga Kaylee. Isa pa, baka ayaw din pumayag ni Aaron eh.”

“Ako na bahala don Louise. Sige na pumayag ka na. Baka naman ayaw mong pumayag kasi naiilang ka parin kay Xander? Huwag mong sabihing may gus…”

Naiinis na talaga ako dito kay Kaylee. Kung hindi lang talaga kami magpinsan baka nasipa ko na siya kahit pa magbestfriends kami. Sipain ko ‘to hanggang don sa bagong planet na nadiskubre. Iyong Kepler 22 B? Pasalamat siya kung sakasakaling maubusan ako ng pasensya sa kanya, don ko siya sisipain. Pwede din naman kasing mabuhay don diba? Earth like planet iyon. Pero iyon nga lang, siya lang mag-isa sa planetang iyon. hahaha.. 

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon