Chapter 24: Flashback

86.4K 812 55
                                    

Kaylee’s POV

“Cge po Manang. Pakisabi nalang po kay Kaylee na kakausapin ko nalang siya bukas sa school. Goodnight po Manang.”

Isang pinto lang nag pagitan namin ngayon ni Louise. Kung makakapasok siya sa main door namin ngayon, makakaharap ko na siya ng hindi pa ako handa.

“Maraming salamat Ma’am Louise. Huwag po kayong mag-alala. Sasabihin ko po iyon kay Ma’am Kaylee.”

Ilang saglit lang, pumasok na si Manang sa loob ng bahay..

“Ma’am Kaylee, nakauwi na po si Ma’am Louise. Ano po ba kasi iyong problema niyong magpinsan?” tanong ni Manang

“Wala Manang. Maraming salamat po. Cge matutulog na ako.”

Nakita kong tumango naman si Manang kaya umakyat na ako at naupo sa gitna ngkamako habang hawak hawak ang mga tuhod ko.

Kaya ko ibinigay kay Kuya Andrey ang kahon kasi hindi ko kayang kay  Louise mismo ibigay iyon. Hindi pa ako handa para harapin siya pagkatapos niyang malaman ang totoo. Oo duwag ako, alam ko na hindi ko maiiwasan si Louise ng panghabang buhay pero talagang hindi pa ako handa ngayon. Kailangan ko pa ng panahon.

Pinagsisihan ko na ang lahat ng mga ginawa ko. Kung maibabalik ko lang talaga ang lahat sa dati, ginawa ko na. Pero sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Hindi lang ako ang nasaktan, nakasakit pa ako ng ibang tao at hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang sarili ko ngayon.

…TPH…

 

 

“Kaylee, pwede ba kitang maka-usap?” seryosong tanong ni Xander sa’kin

 

 

“Ano naman iyon?”

 

 

“Baka pwedeng sa labas nalang tayo mag-usap.”

 

 

Eksakto namang tumayo si Louise para kumuha ng inumin kaya tumayo na kami ni Xander at lumabas papunta sa may garden.

 

 

“Tungkol saan ba iyong tanong mo?”

 

 

“Alam ko ang weird pero gusto ko lang sanang malaman kung pumunta si Louise sa ball noon?”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon