Chapter 13: I'm no Cinderella

81.5K 811 108
                                    

Kararating ko lang sa Lavender Restaurant. Pinark ko na iyong kotse ko katabi sa kotse ni Dad at ni Kuya at pumasok na din sa loob.

Nakuha ko agad iyong atensyon ng mga tao pagpasok ko.Sino ba naman ang hindi kung nakapambahay ka lang? haha. Inggit lang sila.

Nakita ko agad sina Mommy. Akala ko kami lang apat ang magdidinner pero may isa pa pala kaming bisita. Si Ate Eli. Hindi ko talaga lubos maisip kung anong gayuma ang pina-inom ni Kuya kay Ate Eli para magustuhan siya nito. Haha.

“Ate Eli..” Ngumiti ako sa kanya, ngumiti din siya sa’kin.

“Hi Louise.” Bati niya

“Princess, maupo ka na.” sabi ni Daddy

“Ba’t di ka nag-ayos? Nakakahiya ka. Para ka lang waitress dito. Mali, para kang katulong ng mga waitress dito.” Sabi ni Kuya

Sinuntok ko iyong braso niya.

“Ang sama mo talaga. Hindi ka na nahiya kay Ate Eli.” Sabi ko tapos nagsmile ako kay ate.

“Ba’t naman ako mahihiya? Sa gwapo kong ‘to mahihiya ako sa kanya? Ikaw dapat ang mahiya, mukha ka na ngang tikbalang ang panget pa ng suot mo.”

“Andrey, stop that. Nakakahiya kay Eli.” Saway ni Mommy kay Kuya.

Inapakan ko si Kuya sa paa niya tapos nag smile.

“Araayy!!” mahinang sigaw ni Kuya

Tinawanan ko nalang siya. Bagay lang sa kanya. Tikbalang pala ah? Siya naman mukhang mangkukulam na kapre. Hahaha. Ang panget isipin. Kapre na nga, mangkukulam pa. hahahahaha

Si Daddy na at si Mommy ang nag order.

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon