Chapter 34: Blackmail

63.5K 590 47
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako kilala ng taong nasa harap ko eh ngayon ko lang naman siya nakita.

“Upo ka muna.”

Alok ng lalaki sa’kin. Hindi ko parin makita ng maayos ang mukha niya dahil sa hindi sapat na liwanag dito sa loob.

“Hindi na kailangan. Hindi rin naman siguro ako magtatagal dito. Ano bang gusto mong sabihin at kailangan mo pa talaga akong kaladkarin papunta dito?”

Deretsong tanong ko sa kanya.

“It would be really rude kung hihingi agad ko ng pabor gayung hindi mo pa naman ako kilala hindi ba?”

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at itinaas ang kanyang mukha kaya tinitigan ko siya ng maayos.

Pabalik balik lang siya ng lakad mula sa lugar niya habang nakahawak ang isang kamay niya sa smoking pipe at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa baston niya para umalalay sa paglalakad niya. Halata sa paglalakad niya na may deperensya ang kanang paa niya kaya kailangan niya ang suporta ng baston.

“Ako pala si Raven, Mr. Yap. Ako ang leader ng ‘The Raven Chaser’. Hindi ko alam kung narinig mo na ba ang grupong yan.”

“Hindi ko alam kung anong gusto mong sabihin.”

Sagot ko sa kanya.

“Sa madaling salita Mr. Yap, ako ang boss ng ama mong si Alexander, at ako ang ama ni Megan.”

Parang hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siya ang boss ni Dad, hindi naman sa hindi halata sa itsura niya, hindi ko lang talaga alam kung ano ang kailangan niya sa’kin para ako mismo ang kausapin niya ng personal. Bakit hindi nalang niya pinaabot kay Daddy eh magkakilala nama pala sila? Higit pa nga sa magkakilala.

Hindi rin ako makapanilawa na iisa lang ang Boss ni Dad at ang ama ni Megan. Tadhana nga naman.

“Anong pabor ang hihingin mo sa’kin?”

Saka siya huminto mula sa paglalakad niya.

“Gusto kong magkamabutihan kayo ng anak kong si Megan. Alam ko naman kasing noon pa, mahal mo na siya kaya lang nahihiya kang lumapit sa kanya. Pero huwag kang mag-alala iho, dahil malakas ang Dad mo sa’kin, papayagan kitang ligawan ang anak ko. Gusto kong sabihin sa’yo na tanging ikaw lang ang binigyan ko ng pahintulot para ligawan ang anak ko.”

Hindi ko alam kung nagbibiro ba ang matandang ito o nanaginip ng gising.

“Huwag kang mag-alala dahil malaki din naman ang pag-asa mo kay Megan. Sa tingin ko eh gusto ka rin niya.”

Mag-ama nga sila ni Megan.

“Hindi iyo ata naiintindihan..”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon