Chapter 33: Man in Black

68.5K 586 28
                                    

Xander’s POV

Kinuha ko ang digital clock sa bed side table ko at tinignan ang oras.

Saturday 6:45 AM

Saka ko ibinalik iyon.

Mag-iisang buwan nadin simula nong maging kami ni Louise, hindi lang saya ang dinulot niya sa buhay ko kundi sobrang saya. Hindi ko kayang ikumpara ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Louise. Siya ang hangin na bumubuhay sa’kin, siya ang dugo na dumadaloy sa katawan ko.

Nakausap ko si Kaylee nong isang araw at tinanong niya ako kung anongplanoko sa monthsary namin ni Louise. Saka ko lang naalala, cinicelebrate pala ng couples ang mga ganyang bagay. Kahit hindi ako iyong tipo ng tao na sobrang sweet, hindi ko naman pwedeng kaligtaan ang mga ganyang bagay. Alam ko kasing iyan lang ang makakapagpasaya sa mga babae.

Nanatili na muna ako sakamako at nag-isip kung anong magandang gawin para sa monthsary namin. Gusto ko iyong kakaiba at romantic.

*tok* *tok*

“Pasok po”

Alam kong si Daddy ang nasa kabilang pinto. Hindi nga ako nagkamali nong buksan niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ko.

“Xander anak.”

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at sinandal ang ulo ko sa headboard.

“Bakit ko?”

Tanong ko sa kanya habang umupo siya sa dulo ngkamako.

“Wala lang. Gusto lang kitang makita bago ako umalis.”

Sabi niya habang nakatitig sa’kin. Nagkaroon muna ng katahimikan sa pagitan namin ni Dad bago ako nagsalita.

“Kailan mo ba talaga planong kumalas diyan sa pinasukan mo Dad?”

Hindi ko alam kung ano talaga ang habol ni Dad sa grupo niya. Alam kong illegal ang ginagawa nilang negosyo. Pagpapalitan ng drugs sa ibang bansa pati nadin ng mga armas at iba pan. Hindi ko alam kung bakit dumidikit parin siya na parang linta sa boss niya eh meron naman kaming ibang negosyo. Kahit hindi na siya papasok sa illegal niyang gawain, mabubuhay naman kami ng matiwasay.

“Gustuhin ko man Xander, hindi ko magawa.”

Sagot ni Dad habang iniyuko ang ulo niya.

“Malika Dad, kung gugustuhin mo talaga makakaalis ka. May pera naman tayo ah, at may ibang pinagkikitaan din naman tayo. Kaya tigilan mo na iyang gawain mo Dad.”

“Hindi mo alam Xander kung anong kapalit kung titigil ako.”

“Hindi ko talaga maintindihan Dad dahil hindi mo naman sinasabi sa’kin ang dahilan. Sino ba iyang boss mo at ako na mismo ang kakausap sa kanya.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon