Chapter 63 - The Real Enemy

1K 30 10
                                    

Chapter 63 - The Real Enemy
Nick's POV
--------------

"Hindi madali I track yung location nila, magaling yung suspect alam niya kung pano I block yung location" Sabi nung officer na nagsabi na siya yung maghahandle ng case na to kagabi. 

"Wala na bang ibang paraan?" Tanong ko lumapit si Louis sa computer nila kaya yung nakaupo dun ay umalis agad.

Pinanood namin habang si Louis nagtytype at click ng click sa computer.

"Nick, hindi sa pinaghihinalaan ko si Angel. Pano kung kasali siya sa plano na to?" Naalis yung tingin ko kay Louis at lumipat kay Josh na ngayon ay nasa tabi ko na "Kasi isipin mo to, sabi niyo yung CCTV Footage na cut hindi din nag appear si Sydney, pero mukhang matagal ng kausap ni Angel yung tao. Pero bakit hindi agad niya ito sinaktan bakit nung nagpakita lang si Sydney?"

Napaisip ako sa sinabi niya at nakuha ko yung point niya, bakit nga kung kailan lumabas si Sydney tsaka biglang sinaktan si Angel? 

"And Angel is no where to be found" I said habang paonti onti ng narerealize yung point ni Josh.

"But the question is, why would she do that to her own bestfriend" Napahawak ako sa labi ko habang nagiisip. "I don't think nag away silang dalawa. Even so it shouldn't get to this extent if that was just a fight"

Pareho kaming malalim na nagiisip, sa possibleng dahilan kung bakit nagawa ni Angel yung bagay na yun pero walang nalabas sa utak namin.

"Nick, you have to see this" Sabi ni Louis, my thoughts suddenly went gone at mabilis akong naglakad papunta sa harapan ng computer niya. "I think I got it"

----------------

Sydney's POV
-----------

Kanina pa ko nagising at takang taka kung nasaan ako, pero yung lalaking nagbabantay sakin hindi ako sinasagot.

I also tried standing up, but my legs are tied as well. Mas matindi pa to sa kidnapping na ginawa ni Lucas sakin. This time I can clearly feel whoever is behind this will kill me for real at hindi na kagaya ng ginawa ni Lucas.

Tumingin ako sa lalaking kasama ko, napansin niya ito kaya sinamaan niya ko ng tingin.

"Ano bang kailangan niyo sakin?" Hindi ito sumagot pero masama lang ang tingin sakin "Pera? I have tons, my family has tons of it. Let me go and I'll give you all our money if hindi pa enough yun madami pan~"

"Manahimik ka!" Sigaw nung lalaki kaya napatalon ako sa gulat.

Dahan dahan itong lumapit sakin kaya nakaramdam na ko ng kaba lalo na at may dala itong baril. Inanggat nito yung mukha ko gamit yung baril niya.

"Maganda ka, kaso inutos sakin na wag kang sasaktan" Hinila niya paalis yung baril niya kaya bumagsak yung mukha ko. 

Tumalikod siya at naglakad pabalik sa upuan niya kanina.

"Sino ba yung boss mo?" Umupo ito bago ako sagutin.

"Papunta na" Nanlaki yung mata ko, dahil simula pag gising ko kanina hindi niya sinasagot yun. Lagi niya lang sinabi na 'Hindi mo pa dapat malaman'

Maya maya lang nag ring yung cellphone nito, at tumalikod sakin. Habang hindi ito nakatingin sakin mabilis kong tinignan yung lugar dahil may malapit sakin na pwedeng makatanggal sa tali na nakalagay sa kamay ko.

May nakita ako na maliit na piraso ng basag na salamin, hindi ko alam kung makukuha ko ito o gagana ito pero pinilit kong abutin.

Malapit ko na itong makuha ng marinig ko na tumigil na sa pagsasalita yung lalaki kaya mabilis kong inayos yung sarili ko.

The more you hate the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon