Chapter 61 - Sydney's Missing

1K 30 3
                                    

Chapter 61 - Sydney's Missing
Nick's POV
----------------

Nakabantay ako sa may pintuan dahil kanina pa wala si Sydney at Karylle.

"Kulang nalang yung shades pwedeng pwede ka na maging guard" Sinamaan ko ng tingin si Josh, kasama nito si Zeke sa gilid niya.

"Bat di ka nalang sumama sa restroom" Hindi ko sila pinansin at tumingin ulit sa pintuan. "Whip talaga si Pareng Nicholas"

Nagtawanan sila sa gilid ko, kung hindi ako nagaalala kay Sydney baka may dalawang kanina pang nasugod sa hospital.

Maya maya lang pumasok na si Karylle at parang may hinahanap kaya tinaas ko yung kamay ko at agad siyang lumapit sakin.

"Sabi ni Sydney kakausapin niya lang si Angel... She'll be here in a few minutes" Tumango ako at tumingin ulit sa pintuan.

As much as I want to follow her outside, alam ko na ngayon nalang ulit sila makakapagusap ng bestfriend niya kaya I'll give her some space.

Tinitigan ko yung kamay na may hawak na shades, at agad na nagsalita si Karl

"Sabi ni Josh bigay ko daw sayo" Sinamaan ko ng tingin si Josh at Zeke habang tawa sila ng tawa.

Kinuha ko mula kay Karl yung shades at ibabato ko dapat sa isa sakanila pero nagtakbuhan ang mga Kupal.

Paalis na ko sa kinatatayuan ko at hahabol ko na dapat kaso naalala ko na inaantay ko si Sydney kaya hindi na ko gumalaw at tinignan ko nalang ng masama yung dalawa.

'Whipped' nakita ko na sinabi ni Josh kaya mas lalo ko silang sinamaan ng tingin, if I could hit those two right now.

Kikita nanaman yung business nila Zach.

"Dude" Tumingin ako kay Louis at inabot niya sakin yung glass na may wine.

"Salamat" I said and we clink our glasses.

"Swerte niyo ni Sydney, even after lahat ng nangyari, you still have each other" Napangisi ako sa sinabi niya pero mabilis napalitan ng ngiti. "You know I used to like her, Sydney. Pero mabilis din nawala looking at the both of you, alam ko na hindi ako yung para sakanya"

Kung andito yung Sydney noon, yung may gusto kay Louis, sigurado akong mahihimatay yun sa kilig.

Napangisi ulit ako thinking about if sinabi ni Louis yun noon. In the past there was atleast 99 percent chance of him and Sydney being together, buti nalang marunong makaramdam si Louis.

"Buti alam mo" I said at nag chuckle lang siya, Hinding hindi ko sasabihin sakanya yung pagkakagusto ni Sydney sakanya, baka makabalik pa ng matagal ng nawalang feelings nila sa isa't isa.

Maya maya lang malakas na bumukas yung pintuan na ikinagulat namin, pumasok si Angel na umiiyak kaya pinahinto ko yung music at agad na sumunod yung dj.

I looked at her, waiting for Sydney to enter the room.

"Sydney's gone!" Sigaw ni Angel na naging dahilan ng bigla kong pag bitaw sa glass na hawak ko. Nang mahimasmasan ako sa sinabi niya, agad akong lumapit sakanya, tumingin ito sakin habang umiiyak "May pumalo sakin at andun si Sydney, pag balik ng awareness ko wala na siya"

Patuloy yung pag iyak nito at tumingin ako kay Josh, mabilis nitong inakap si Angel

"Kuhaan mo siya ng ice and apply it to the part where she got hit" Tumango sakin si Josh at nagsimula ako maglakad pero pinigilan ako ni Louis.

"Where are you going?" Tanong nito at hinawakan yung siko ko.

"To find her, she can't be gone again" I said and I removed his hands on my elbow "I had her for a short time and she's being taken away from me again?"

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now