Chapter 23 - Baby?

2.9K 64 19
                                    

Chapter 23 - Baby?
Third Person POV
---------------------------

"Nicholas James Mendoza, Long time no see bro. Kamusta ka na?" Sabi nung lalaki na may halong pangiinis sa mukha niya habang kinakausap si Nick.

Nilapitan niya si Nick sa loob ng Frat Room at sinarado yung pintuan ng Room.

"Don't bro me after what you've done? You still have the guts to say bro? Lucas?" Seryosong tanong ni Nick habang nakatingin kay Lucas na nakangiti padin sakanya.

"Nicholas past is in the past kaya let's just leave it all in the past" Sabi ni Lucas kay Nick at mas lalong ngumiti "Tsaka isa pa alam naman naten na mas minahal niya ko kesa sayo"

Mas lalong sinamaan ng tingin ni Nick si Lucas at huminga ng malalim pinipigilan niya yung sarili niya na suntukin yung lalaking nasa harapan niya ngayon

"Shut up! She didn't love you, she never did love you, you forced her to love you and that isn't Love" Galit na sabi ni Nick na pansin naman ni Lucas na naiinis na si Nick kaya mas natutuwa ito.

"How sure are you na di niya talaga ako minahal? Love letters every valentines doesn't lie" Sabi ni Lucas "Tanggapin mo na kasi na hindi ka~"

Hindi na natapos ni Lucas ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang sinuntok ni Nick sa galit.

Boys! Ano kaya mangyayare sa first game nila ngayon kung hindi pa nga nagsisimula eh nagbubugbugan na sila.

Sydney's POV
------------------------

"Class half day lang ngayon dahil lahat ay required manood ng first game ng Basketball team naten, Let us show our Support to the players" Sabi nung Principal namin na naga-announce sa buong school

Pagkarinig ko nung announcement na agad na  na pa irap ako. Bat ba lahat required manood nun?

Narinig ko naman yung mga studyante na sumigaw at natuwa dahil nga Half day lang at makakapanood sila ng laro ng mga 'Crush' nila.

"Manonood kayo?" Tanong ni Angel sa amin ni Karylle at tumango agad si Karylle "Ikaw Syd?"

Tinignan naman ako ni Karylle with a look na nagsasabi 'Manood ka nag promise ka kanina'

"Ehh wala akong choice eh" Sagot ko sakanya at tinaasan niya ko ng kilay "Andun kasi si Kuya noh si Kuya yung papanoorin ko" And Louis

"Oh bakit? Tinatanong ko ba kung sino papanoorin mo?" Sabi niya sakin at nag taas ulit ng kilay "Halata ka na Sydney ahh"

Mga gaga kasi naman tingin niyo palang alam ko na nilalagyan niyo ng meaning lahat basta andun si Halimaw tsk tas pag dinefend ko sarili ko 'Halata ka na ah' Like seriously? wala na ba kong karapatan I defend sarili ko.

Inirapan ko lang siya at siya naman ngumiti ng nakakaasar 

"Ikaw Angel, Manonood ka?" Tanong ni Karylle sakanya agad naman siyang umiling

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now