Chapter 15 - Kitty cat

3K 105 9
                                    

Chapter 15 - Kitty cat
Sydney's POV
--------------

"Anak gising na" Rinig kong sabi ni Mommy habang kinukuha niya yung kumot ko pero pinipigilan ko siya.

"One minute" Sabi ko habang nakapikit pa

Narinig ko yung mga yapak ni Mommy na papalabas ng kwarto ko kaya ngumiti ako at tsaka umayos ng higa. Maya maya biglang may kumiliti sa tagiliran ko. 

"Mommy naman eh one minute nga lang eh" Irita kong sabi habang nakapikit padin yung mata ko.

"Anong Mommy ka dyan di mo ko nanay Pagong" Kumunot yung noo ko nung narinig ko yung boses ni Kuya.

"Ehh si Mommy kausap ko kanina eh" Sabi ko at minulat ko na ang mga mata ko at nakita ko si Mommy and Kuya na nakaupo sa dulo ng kama ko. 

"Anong meron?" Nagtataka kong tanong sakanila. Minsan lang kasi sila pumupunta sa kwarto ko kapag weekend eh madalas sa Kusina na kami nagkikita-kita.

Tumawa naman silang dalawa, Hala anong nakakatawa?

"Wala namang ganap Anak nakita kasi ako ng Kuya mo papunta dito kaya sumunod nalang siya sakin" Sabi ni Mommy at tumango naman ako 

"Pagong" Pagsisimula ni Kuya pero sinamaan siya ng tingin ni Mommy kaya umubo siya tsaka nagsalita "Este Sydney bumangon ka na kaya dyan para makapasok na tayo

"Oo na baka mamaya iwanan mo ko eh" Sabi ko at inirapan siya kaya natawa naman siya.

Hinding hindi ko makakalimutan yung ginawa niyang pag iwan sakin noon.

"Kayong dalawa talaga" Sabi ni Mommy habang umiiling iling. Hehehe sorry Mommy ganito talaga yung dalawa niyong anak.

"Mommy di ka pupunta sa Office?" Tanong ko sakanya 

"Pupunta pero mamaya pa gusto ko kasi na makita kayo kasi minsan ko nalang kayo makita ng umaga laging pag uwi ko galing sa Office" Malungkot na sabi ni Mommy 

"Mommy ano ka ba ok lang yun" Sabi ko at nginitian si Mommy.

I know naman na hirap talaga si Mommy in managing the business kasi puro meetings, at laging may problema.

Kaya I understand her kung bakit wala siya mostly sa bahay at kung bakit laging late na siya umuuwi.

"Oo nga ma matanda na naman tong bunso niyo eh di na kailangan alagaan" Humarap sakin si Kuya tsaka nag-belat at pinat yung ulo ko na para akong aso.. Natawa naman si Mommy sa kabaliwan ni Kuya

"Oh siya magready na kayo ayokong malate kayo dahil andito ako" Sabi ni Mommy at lumabas ng kwarto kasama si Kuya.

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now