Chapter 9 - Park

3.2K 130 30
                                    

Chapter 9 - Park

Sydney's POV

-------------------------

Pagkadating ko sa Park ang tahimik napaka-peaceful wala manlang ni isang bata naglalaro sa play ground or di kaya naghahabulan, Siguro nasa school yung mga bata kaya walang mga naglalaro dito.

Umupo ako sa Park Bench at pinagiisipan kung papasok pa ba ako or hindi. 

Kinuha ko yung salamin ko sa bag at tinignan ko yung pisngi ko na paunti-unti na siyang nagiging bruise, kasi naman yung Mean Girls wala naman akong ginagawa sakanila tapos aawayin ako. Aish! mga walang magawa sa buhay.

Pagkatapos ng ilang minuto na pag tingin ko sa salamin ay na pag desisyunan ko na wag nalang pumasok kasi kahit naman di ako makita ni Kuya mabilis kumalat ang mga chismis dyan sa School kaya hindi ko iri-risk na magpakita kay Kuya na ganito itsura ko or mabalitaan sa mga chismosang babae.

Ayoko na ng gulo and I know my Kuya once he finds out about this baka mawala sa isip niya na babae sila Regine, at baka bigla nalang silang suntukin ni Kuya. He's too overprotective sakin.

------------------

Dahil sa sobrang peaceful and quiet dito sa Park, na pag-isipan ko na mag-aral nalang, dahil hindi ako makakaattend ng klase ko ngayon kaya Self Study muna at ayoko din bumagsak noh kahit isang araw lang naman ako mawawala malay mo may mga surprise quiz edi 0 na agad ako.

Pano na ko magiging Valedictorian niyan pag may 0 ako sa quiz diba.

Kinuha ko yung libro ko sa loob ng bag ko at nagsimula na mag-basa. 

Binabasa ko yung topic namin sa Science which is about Physics, mga Theories and stuff.

While Im enjoying my peace and quiet may narinig akong yapak sa harap ko pero hindi ko ito pinansin pero maya maya lang umubo ito at nagsalita.

"What a coincidence Panget andito ka din pala" Hindi ko na kailangan tumingin kung sino nagsalita obvious naman na ito yung taong pinakakinaiinisan ko boses palang niya naiinis na ko at pati yung nickname saken halatang halata na siya nga. 

"Ay hindi hologram lang ako na nakaupo dito" Bulong ko sa sarili ko habang nagbabasa padin ng libro hindi ko padin siya tinitignan.

"Anong sabi mo?" Tanong naman ni Halimaw at di ko padin siya pinapansin masyado akong interesado sa binabasa ko para makipagusap sakanya "Yah! Hindi ka talaga magsasalita?

Bahala siya dyan hindi ako magsasalita, biglang umupo sa tabi ko si Halimaw, Wala manlang tanong kung pwedeng umupo sa Tabi ko. Tsk walang manners tong Halimaw na to ah.

"Sinabi kong pwede kang umupo" Sabi ko sakanya pero di ko padin inaalis yung mata ko sa libro na tinititigan ko nalang ngayon dahil wala na kong naiintindihan dahil sa hati na ang attensyon ko.

Yung kaninang interesado ako sa binabasa ko ay ngayon hindi ko na maintindihan kung ano yung binabasa ko. All because of this Halimaw beside me na walang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko.

"And she finally talks and the last time I checked hindi mo naman pag mamay-ari tong bench kaya pwede akong umupo dito" Sagot naman ni Halimaw. Tsk whatever wala ako sa mood makipag-away dito. Maya maya naman kinuha ni Halimaw yung Libro sa kamay ko 

"Aish! Ibalik mo nga yan di mo ba nakikita busy ako magbasa" Iritang sabi ko sakanya habang pilit kong inaabot yung libro sa likod niya

"Hindi mo ko pinapansin and you know I hate it whenever you or someone ignores me" Sabi ni Halimaw kumunot naman yung noo niya nung nakita niya yung mukha ko "Tsaka anong nangyari sa pisngi mo?"

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now