Chapter 8 - Mean Girls

3.3K 131 15
                                    

Chapter 8 - Mean Girls
Sydney's POV
------------------------

"Syd, Ano first class mo?" Tanong sakin ni Angel

"Math" Sagot ko 

Nandito kami ni Angel nakaupo sa bench sa gitna ng campus. Maaga kasi pumasok si Kuya kaya dito muna ako tumambay pero buti nalang maaga din si Gel.

"So kamusta tulog mo?" Tanong ni Angel sakin na may halong pang-asar, I just looked at her with a confused face... Anong pinagsasabi niya? "Hala siya nakalimutan na yung nangyari kahapon. We kinda hang out with your Crush diba"

Oh yeah I almost forgot, masyado siguro akong pagod kagabi kaya akala ko panaginip lang lahat ng nangyari.

"Wala normal sleep parin" Sagot ko pinanlakihan niya ko ng mata.

"As in? Di ka manlang nahirapan matulog? Kasi kung ako yan mahihirapan ako matulog, we hang out with your crush syempre iisipin mo yun all night long" She kinda has a point but ewan ko ba bat di ko inisip yun kagabi basta ang naaalala ko pag uwi diretso tulog na ko.

Wala ng isip isip pa sa mga nangyari.

I was about to respond pero biglang nag bell.

*Ring ring

"Syd una na ko terror teacher ko sa History eh." Sabi ni Gel at natawa ako, kasi totoo naman terror yung teacher niya sa History kasi teacher ko din yun eh.

"Sige alam ko naman na terror si mam eh" Sabi ko sakanya at tumawa din siya at umalis na.

Super Terror nung Teacher na yun akala mo college teacher na eh, ma late ka lang sa klase niya or maunahan ka lang niya sa Classroom lock na yung pinto hindi ka na makakapasok plus detention pa with community service for a week.

Grabe diba dahil lang sa naunahan ka niya sa room at na-late ka ng ilang minuto.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko at nagsimula na maglakad. Mabait naman yung teacher ko sa Math kaya hindi ako masyadong nagmamadali pag punta sa room. Habang naglalakad ako papunta sa room may tumawag sakin.

"Sydney" Sabi nung nasa likod ko. Humarap naman ako and what a coincidence si Josh pa yung nakita ko.

"Ano?" Tanong ko sakanya at umiling siya.

"Wala lang sabay na tayo papunta sa Room" Sagot niya. Tumango nalang ako at naglakad ulit papunta sa Room, kahit naman tumanggi ako sabay parin naman kami makakapunta sa room kasi nga iisa lang pupuntahan namin.

Pag dating naman namin ng room ang sama ng mga tingin sakin nung mga babaeng punong puno ng make up yung mga mukha, akala mo halloween na eh August palang naman.

Sanay na ko na tuwing Science at Math Class ganto tingin sakin ng mga babaeng baliw na baliw sakanila kasi naman lagi kong kasabay si Josh at si Halimaw tuwing papasok ng Room. Kala niyo naman napaka-celebrity nung kasama ko pumasok para ganun tingin nila sakin.

Buti sana kung sila Daniel Padilla kasama ko pumasok diba, eh itong mga Frat members lang naman.

"Mr. Mendrez and Ms. Castro, Why are you late?" Tanong samin ni Mam 

"Mam hindi naman po kami late andito na po kami sa school kaso nag-bell na po nung papunta kami dito" Sabi ni Josh at tumango naman yung teacher namin, Sabi sainyo eh mabait yung teacher na yun.

Buti naiintindihan ni Mam na minsan hindi naman talaga late, nauunahan lang ng bell.

Umupo na ko sa upuan ko at umupo si Josh sa tabi ko kasi kami yung seatmates.

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now