Chapter 14 - Ulan

3.1K 120 0
                                    

Chapter 14 - Ulan
Sydney's POV
-----------

"Sydney hoy ok ka lang?" Tanong sakin ni Josh habang kumakain siya ng Fries. 

Kung nagtataka kayo kung asan kami nasa Canteen kami kasi Lunch at yung dalawa kong bessy wala at busy daw sila kaya sabi ni Josh sakin sasamahan niya nalang daw ako kasi Magmumukha daw akong 'kawawa'

"Oo naman, Bat mo natanong?" Tanong ko sakanya at tinignan lang niya ko ng medyo nagtataka

"Kaya ko lang naman natanong kasi tignan mo nga yang ginagawa mo sa Pagkain mo" Tinignan ko naman yung plato ko at nakita ko na pinaikot-ikot ko nga lang yung pagkain ko "Tsaka kanina ka pa nakatulala dyan simula kaninang Math"

"Wala akong gana kumain eh" Sagot ko sakanya at tinignan lang ako ng masama "Tsaka sobrang pagod lang ako kaya ako nakatulala

Sa totoo lang simula kanina di ko padin naalis yung nangyari kaninang umaga, Yung nangyari samin ni Halimaw kanina. Alam ko sinabi ko na di ko na iisipin yung Halimaw na yun pero kasi naguguilty ako sa mga nasabi ko kahit totoo naman yung sinabi ko. 

"Pagod ba talaga or inlove ka na?" Pabirong tanong ni Josh at tinignan ko siya at tinaasan niya ko ng dalawa niyang kilay

"Ako maiinlove? Aish hindi noh" Sagot ko sakanya with matching nandidiri na mukha.

Ako maiinlove? Never at tsaka kanino naman?

"Eto naman sineseryoso mo agad" Sabi ni Josh at tumawa. May sapak talaga to eh.

Kinuha ko na yung spoon and fork ko para kumain na ko dahil kanina pa ko nakatulala, Bigla namang nagsalita si Josh

"Sydney na detention ka daw nung isang araw?" Tanong sakin ni Josh. Ever since na detention ako they us ask that same annoying question. Like is it that big of a deal?

"Is it really that unbelievable?" Pagbabalik ko ng tanong sakanya at nagshrug lang siya pero bigla din namang nag smirk ng walang dahilan.

"Hindi naman" Sagot niya sakin hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako "Alam ko kung bakit walang tao sa detention room nun"

Bigla akong napatigil sa pagkain at napunta lahat ng attensyon ko sakanya.

"Hindi kasi sila umattend" I said, yun yung alam ko kaya wala masyadong tao nun.

"Or may nanakot kaya hindi umattend" Tumawa naman siya pagkasabi niya nun, kumunot yung noo ko.

Sino yung mananakot sakanila para di umattend... Hindi ko nalang ulit siya pinansin at kumain na ako.

"Hoy Nick" Sabi ni Josh at agad naman akong tumingin sa paligid pero wala naman pala siyang kausap 

"Ayiiee hinahanap si Nick oh akala ko ba Halimaw yun para sayo" Pangaasar niya habang tumatawa "You know Syd, Bagay kayo ni Nick ewan ko ba bakit puro lang kayo away for sure magugustuhan niyo din yung isa't isa...May nahulog na nga eh" Di ko naintindihan yung sinabi ni Josh sa huli kasi pabulong niya yun sinabi, Inirapan ko nalang siya 

The more you hate the more you loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora