Chapter 27 - I...Like You

3K 72 20
                                    

Chapter 27 - I...Like You

Sydney's POV

-----------------------

"So san mo na balak?" Tanong sakin ni Karylle habang naglalakad kami papunta sa Science Room.

Minsan ko lang makasabay yan si Karylle papunta dito kasi laging may utos ng teacher yan na sinusunod kaya madalas si Halimaw nakakasabay ko pero simula nung naging sila ni Madison.

Hindi ko na siya nakakasabay. Pero mas ok naman yun atleast wala ng Halimaw na lagi akong aasarin papunta sa classroom or mangbubuset diba.

"I don't know, Nag suggest lang ako ng Tagaytay pero wala pa talaga akong napagiisipan na magandang pag stay-an" Tumigil na kami sa paguusap nung nakapasok na kami sa Science Room.

Umupo ako sa normal ko na upuan pero nagulat ako ng umupo sa likod ko si Karylle kung saan nakaupo si Halimaw.

"Diba dito ka nakaupo?" Tanong ko sakanya at nag shrug siya "Hoy Karylle dito ka na kasi mamaya biglang dumating yung Halimaw"

"Edi Seatmates na kayo" Sagot ni Karylle sakin "Diba New Seatmate" Sabi ni Karylle dun sa lalaking katabi niya na parang walang pakialam sa mundo.

Kinuha ko nalang yung libro ko at nagsimula ng magbasa basa habang wala pa yung Teacher namin pero habang ganon, tumitingin tingin ako sa pinto baka kasi biglang may Halimaw na pumasok.

Ilang beses ko na din sinamaan ng tingin si Karylle pero di niya ko pinapansin or di kaya pag kinakausap ko siya bigla niyang guguluhin yung katabi niya kaya mas naiinis yung katabi niya sakanya pero walang pake si Karylle.

"Good morning Class" Sabi nung Teacher namin pag pasok niya babatiin ko pa sana yung Teacher namin ng biglang may Halimaw na nakasunod at agad na kumunot yung noo niya nung nakita na yung bakanteng upuan eh nasa tabi ko nalang.

Tsk ayoko din naman kita katabi so quits lang tayo.

"Magusap nga kayo, akala mo hindi ko alam ah after nung isang araw napapansin nila Josh na di na daw kayo naguusap kaya magusap daw kayo" Bulong na sabi sakin ni Karylle kaya napairap nalang ako ng mata sa taong katabi ko di naman siya nakatingin eh tsaka kahit nakatingin pa siya iirapan ko talaga siya che!.

So? Bakit ba big deal sakanila kung di kami naguusap after nung isang araw? Di ba pwedeng busy lang kami o wala namang paguusapan... As if naman may pake ako dito sa Halimaw na katabi ko.

"Stop staring at me" Sabi ni Halimaw habang kumokopya ng notes na nakasulat sa white board kaya agad kong inalis yung tingin ko sakanya.

Was I staring at him na ganon katagal? O nagiilusyon nanaman si Halimaw. Tsaka if I was 'really staring' at him pano niya makikita eh busy siya kumopya ng notes diba, Tsk naga-assume nanaman.

-------------------------

"Syd! Bat kayo ganon ni Nick! Ang cold niyo kamo kahit ako ramdam ko yung pagka cold ng atmosphere niyong dalawa eh bat ganon" Disappointed na sabi sakin ni Karylle kaya napatingin ako sakanya with a look that says 'Seriously?'. 

"Ewan, Bat di mo siya tanungin kung ano yung problema niya" Sagot ko sakanya at napairap tsaka kinuha yung hand carry na folder ko na may mga papel.

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng room ng bigla nalang may nantisod sakin kaya napahiga ako sa sahig at nagkalat yung laman nung folder ko.

"Nick!" Rinig kong sigaw ni Karylle sa likod ko. Buti nalang napahawak yung kamay ko sa sahig kaya hindi masyadong masakit at agad akong nakatayo at humawak sa braso ni Karylle para hindi matumba.

The more you hate the more you loveOnde histórias criam vida. Descubra agora