Chapter 56 - Something's Fishy

1.4K 39 5
                                    

Chapter 56 - Something's Fishy
Sydney's POV
----------------

After 3 days nirelease na yung Dad ni Nick kaya after that we continue to meet secretly sa Cafe kasama si Kuya pero ngayon sa Hotel namin dahil may inaasikaso si Kuya.

 I also found out a few more details about sa babae dun sa Hospital, she's been there for a few months palang and base off sa kwento ni Nick, si Zach lagi din daw dinadalaw yung babae dun nung andun sila.

Hindi nalaman ni Nick kung bakit andun yung babae dahil hindi nagrerelease ng information yung nurse about sa patient nila, which is right naman.

"Sure ba kayo hindi nila ko makikilala?" Tanong ni Nick habang nakasuot ng salamin at nakatitig sa sahig.

Binatukan naman ni Kuya si Nick tsaka tumawa "Oo, pero malas mo pag andito din si Achi ngayon"

Maya maya lang lumapit samin yung manager.

"Miss Sydney, Mr Karl" Bati samin ni Miss Sarah, medyo nag bow lang ako at nilipat niya yung tingin niya sa katabi ko na si Nick.

"Security namin" Sagot ni Kuya na para bang nagtanong si Miss Sarah kaya tumango lang ito. Sinilip ko naman si Nick na ngayon ay hindi na nakatingin sa baba, pero masama ang tingin kay Kuya. "I think Dad emailed you about~"

Before Kuya could even finish may tumawag kay Miss Sarah kaya inalis nito ang atensyon samin, biglang nag thumbs up si Kuya kay Nick habang yung itsura ni Nick mukhang nagpipigil ng masusuntok.

"Sinong maniniwala na sa itsurang to?" Sabay turo sa sarili niya kaya napairap ako "Security Guard niyo lang?"

Mahina kong sinampal yung mukha niya para matauhan siya sa kayabangan niya. 

"Magpasalamat ka nalang dahil sakin nagkikita pa kayong dalawa" Sagot ni Kuya habang may binabasa sa gilid. 

"Pero grabe naman kasi bayaw, Security guard? Mukha ba kong taga bantay?" Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ko yung salamin ko mula sa bag at inabot sakanya.

"Titigan mo nga sarili mo ng matahimik ka" Kinuha niya ito at dahan dahan na tinignan yung sarili niya na para bang may hinahanap siya na nawawala.

Magsasalita pa sana ito pero biglang bumalik si Miss Sarah.

"Yes Sir, I'll send it to your office" Tumango si Kuya at umalis na si Miss Sarah pero bago ito umalis nakita ko na kumunot yung noo niya nung tumingin siya kay Nick.

Inagaw ko agad yung salamin ko "Tigil na baka yumabang ka bigla"

"Sino ba hindi yayabang pag may ganitong itsura? Buti nga humble pa ko" Binatukan ko siya at umiling iling, si Kuya din binatukan siya pero mas malakas yung kay Kuya. "Ayoko na nga sumama sainyo, inaaway niyo ko"

Tinitigan ako nito at nag pout na para bang aping api siya, kaya ngumiti ako na para bang nangaasar.

"Susunod kayo o magpapacute lang?" Tanong ni Kuya na nasa loob na ng elevator.

Nagtitigan kami ni Nick at nagpaunahan na makapasok sa elevator pero mas nauna siya sakin kaya humarang siya sa entrance.

"Hoy Halimaw" Tinulak ko siya pero hindi niya inaalis yung hawak niya sa magkabilang pinto ng elevator.

"Halimaw pala ha" Hinampas ko yung likod niya tsaka yung braso niya para maalis yung hawak niya pero hindi padin.

Nakaganito kami for 2 minutes na nagtutulakan habang si Kuya nakatitig lang samin. May guest na nasa likod ko kaya umalis na si Nick sa pintuan at agad na nagshield ng sarili niya.

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now