Chapter 20 - Encyclopedia

2.7K 61 3
                                    

Chapter 20 - Encyclopedia
Sydney's POV
----------------

Lahat ng tinuturo ng teacher ko sa English, lumalabas lahat sa kabilang tenga ko.

Pano ba naman kasi ako makakapag-focus, eh inaantok ako. Mahirap kaya mag-aral ng inaantok yung tipong onti nalang gi-give up na yung mata mo na kahit sa sahig ka na matulog okay lang basta makakatulog ka na. 

Ganon katindi yung antok ko.

Tsaka ako pa si Tanga di ko manlang naisipan na uminom ng kape para mawala naman kahit ka onti yung antok ko.

Hikab ako ng hikab habang nagdi-discuss yung teacher namin, bwisit kasi yung Halimaw na yun di ako pinatulog ng mahimbing kagabi kakaisip sa sinabi niya.

Pero hanggang ngayon hindi ko padin alam kung bakit parang ang lakas ng epekto sakin nung sinabi niya.

Bumalik ako sa realidad ng bigla akong tawagin ng Teacher ko "Ms Castro, Kindly proceed outside if you're not going to pay attention to what im teaching... The door is always open for you to leave

Napansin niya siguro na hikab ako ng hikab, halos lahat ng mga studyante na kanina eh walang pakialam sa dinidiscuss ni Mam, tumingin sakin at yung iba nakangisi at nagpipigil ng mga tawa.

Tsk Toxic people, tinatawanan lahat ng mga pagkakamali mo akala mo naman mga perpekto.

"Sorry Ma'am, I'll just pay attention" I told her pero umiling siya, Ano ba gusto niya? Lumabas ako para mawala yung pwesto ko as valedictorian? at walang matutunan? Aish!

"No Ms Castro, Lumabas ka nalang kesa andyan ka pretending to understand what im saying" Wala akong na gawa kaya kinuha ko yung bag ko at tumayo na pero bago pa ko makalapit sa pinto eh nag salita ulit si Ma'am "Is this really your future Valedictorian? Mabuti pa ata eh pumili kami ng iba"

Yun yung ikinagalit ko kaya di ko nalang pinansin yung mga 'Ohhh' ng mga kaklase ko sa klase na yun at lumabas na ng Classroom.

One Sleepless night can cause all of that, seriously? Matalino naman ako pero sadyang ngayon, puyat lang talaga ako at sobrang pagod.

Di kasi ako sanay mag-puyat kaya ganyan yung epekto ng puyat sakin.

"So dalawa na yung ayaw kong teacher ngayon" Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa tahimik na hallway dahil lahat sila nasa classroom nakikinig sa teacher, habang ako ito Loitering during class hours.

Sumasakit ulo ko ngayon kaya nag-isip muna ako if matutulog ako para naman sa Math hindi lutang yung utak ko tsaka para na din mawala yung sakit nung ulo ko, kaso baka naman malate ako ng gising kaya hindi nalang ako matutulog.

Kasi pag natulog ako ngayon for sure uwian na ko magigising, edi sana di nalang ako pumasok kung ganon.

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko dito sa Hallway tsaka di naman kasi ako sure if bukas yung classroom ng Frat nila Kuya eh baka ni lock na nila kasi wala na namang tao dun. Kaya ito isip ako ng isip kung saan ako magpapalipas ng oras.

Naisipan ko na pumunta nalang sa Canteen para makabili ako ng coffee para mawala yung antok ko. Pero nung lumiko ako papunta sa Canteen nakita ko si Halimaw na may kausap na babae sa hallway.

Nagtatawanan sila tas si Halimaw naman umiiling iling habang tumatawa ng malakas, yung tipong tawa niya lang yung maririnig mo tas yung babae naman mukhang annoyed na sakanya dahil nakahalukipkip na ito, di ko kasi kita yung mukha niya  kaya di ko alam if totoong annoyed na si Ate Girl kasi nasa gilid yung buhok niya natatakpan yung mukha niya.

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now