Chapter 10 - Let the War begin

3.2K 113 7
                                    

Chapter 10 - Let the War begin
Sydney's POV
----------------------

"Pagong! Gumising ka na" Rinig kong sigaw ni Kuya. Ang aga aga ito agad yung maririnig ko.

"Saglit lang unggoy!" Sigaw ko. Maya maya lang may narinig akong nagbukas ng pintuan ko at tumakbo papunta sa kama ko at dinaganan ako.

"Shit" Gulat kong sabi at pinilit kong kumawala sa pagkadagan niya sakin

"Language" Sabi nung walang hiya kong Kuya habang tumatawa dahil hindi ako makaalis sa pagkadagan niya sakin... Pano ba naman kasi ang bigat bigat.

"Whatever Kuya get off of me" Sabi ko sakanya at tinignan ko naman si Kuya at sinamaan lang ako ng tingin "Ito na kikilos na po kaya utang na loob tumayo ka na hindi na ko makahinga"

"As you wish Pagong, Bilisan mo kilos mo Pagong padating na sila Nick" Inirapan ko lang siya at siya naman nag belat sakin tsaka tuluyan na lumabas ng kwarto ko.

Haist! Sasabay nanaman kami dun sa Halimaw na yun, may sasakyan naman kami bat kailangan pa namin sumabay tsaka may gas din naman yun bakit sa Halimaw na yun pa kami sasabay.

Tumayo na ko ng kama at dumiretso sa Restroom. As usual after 20 minutes tapos na ko maligo kaya bumaba na agad ako para kumain ng breakfast, nagulat ako pag-baba ko nakita ko si Halimaw prenteng naka-upo sa sofa

"What are you doing here?" Tanong ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Tumingin naman siya sakin at nagsalita.

Ay shit mali ang tanga tanga mo Sydney kaya yan andito kasi nga makikisabay kayo diba putek, Sinampal ko nalang yung sarili ko sa isip ko dahil gawd ang tanga ko, magmumukha nanaman akong bata na walang common sense.

"Pwedeng pakibilisan mo kumilos ikaw nalang iniintay" Wow ahh demanding much? kakababa pa nga lang mamadaliin na agad.

Kinuha ko nalang yung sandwich na nasa table at nilagay ko sa bag para mamaya ko kakainin kasi pinagmamadali na ko nitong Halimaw na to.

"Tara na" Tumayo naman si Halimaw pagkasabi ko sinabi nun at naglakad papunta sa labas kung saan naka park yung sasakyan niya at nakita ko na andun na si Kuya

"Can you be a bit more quick. Slow poke" Sabi ni Halimaw. Wow grabe ahhh nag-simula na ko mag-lakad ng mabilis pero mas nauna pa siyang nakarating sa sasakyan.

Kasalanan ko ba na di ang liit ng hakbang ko kahit anong gawin ko mabagal padin talaga ko maglakad, porket siya mabilis maglakad.

Pag sakay ko ng sasakyan magsusuot palang ako ng seat belt bigla namang nag-paandar ng mabilis tong si Halimaw at sabay preno syempre hindi pa ko nakaseat belt nauntog ako sa upuan ni Kuya. 

Anong trip neto ni Halimaw sa buhay niya? Idadamay pa ko

"Hoy Halimaw kung may plano kang mag-pakamatay wag mo na kong idamay" Galit kong sabi. Humarap naman sakin si Halimaw at nag-smirk.

Ano nanaman bang nangyayari dito at ngumingisi nanaman to? Aish! sana pwede kong tanggalin yang labi niya sa mukha niya para mawala na yung ngisi niyang nakakarindi.

"Tsk nakakalimutan mo ata yung sinabi mo kahapon ah" Sabi ni Halimaw. Pagkasabi niya naalala ko naman na 'War' nga pala kaming dalawa.

"Let the war begin Halimaw" Matapang kong sabi. Nag simula ulit mag drive si Halimaw at biglang nagsalita si Kuya

"Anong war ang nangyayari? LQ kayo no? tsaka Syd bakit wala ka sa school kahapon?" Tanong ni Kuya sabay kami ni Halimaw napatingin sakanya

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now