Chapter 46 - His Leaving?!?

2K 42 16
                                    

Chapter 46 - His Leaving?!?
Sydney's POV
------------------------

"Hoy Sydney ok ka lang?" I was instantly brought back to reality ng tinanong ako ni Angel, napatingin lang ako sakanya. "Baka gusto mong tumayo na dahil Lunch na o buong araw ka lang nakatulala dyan?"

Tinignan ko yung classroom at nakita na halos lahat ay wala na at yung iba ay nagaayos na ng gamit nila palabas.

Binalik ko yung tingin ko kay Angel na nakakunot yung noo habang nakatingin sakin kaya agad ko ng pinasok yung mga gamit ko sa bag at napabugtong hininga bago tumayo.

"Sure ka bang ok ka lang?, Ngayon lang kamo kita nakita na ganyan and we've known each other for four years now" Ramdam ko yung pagaalala sa boses niya na may halong kaba.

"Oo naman noh, Napagod lang ako siguro daming nangyayari" I said and lowkey wishing na wag na niyang kong tanungin pa kung ano yung mga nangyari.

Cause I don't know how to tell her and what to tell her dahil sa andami na niyang na miss both in class and sa ganap sa friends namin because of their business.

Hindi na siya nagsalita kaya tahimik kami na naglalakad sa hallway papuntang Cafeteria.

"Karylle!" Sigaw ni Angel ng makita namin si Karylle at agad siyang tumingin samin at nginitian si Angel na kumakaway sakanya.

Nawala yung ngiti niya ng makita niya ko at napalitan ng awkward na ngiti. Linapitan siya ni Angel kaya pati ako ay napilitan na lumapit.

"Papunta ka ng Canteen?" Tumango si Karylle. "Sama ka na samin" At hinila sa braso si Karylle. "Namiss ko kayo ahuhu update niyo ko sa mga ganap ha"

"Oo naman syempre" Sagot ni Karylle at sabay kaming tatlo pumunta sa Cafeteria.

--------------

"So gurls, kwento naman kayo sa mga ganap, I heard the other day nag Tagaytay daw ulit kayo. Too bad nga di ako nakasama eh, so how was it?" Tanong ni Gel at agad na tumingin ako sa sahig.

Naramdaman ko naman na nakatitig sakin si Karylle. Probably deciding if sasabihin niya 'yung nangyari' or not.

"Gurls?" Inanggat ko yung tingin ko mula sa sahig at tinignan ko siya "Ok wait di ako sanay na ganito ka katamlay Sydney ha~"

"Ang saya kamo Gel sayang naman kasi di ka nakasama, anyways how's your business na?" Mabilis na sinabi ni Karylle kaya hindi na natapos ni Gel yung sasabihin niya.

Tumingin ako kay Karylle at ngumiti pero agad itong nawala ng matanaw ko yung table ng Frat sa likod ni Karylle.

"Don't change the topic Karylle" Sagot niya, nagtitigan lang kami ni Karylle.

Halatang ayaw niya mag kwento lalo na yung nangyari nung gabi, the night I wish I can forget.

"Im not~" Naputol yung sasabihin ng Karylle ng dumaan sa table namin si Natalie at Madison.

Agad kong nilipat yung tingin ko sa table at di ko inaanggat, sana hindi sila kausapin ni Gel.

"Natalie!" Pasigaw na bati ni Gel at nakatingin padin ako sa table hindi ko padin sila tinitignan. Im still not happy about what they did.

Kaibigan ko si Natalie for years now longer than Angel pero nagawa niya yun? Napagmukha nila kong tanga at si Madison I was starting to warm up to her after all she did pero isa din pala siya sa mga manloloko.

"Dito na kayo umupo, I miss hanging out with you guys" Inangat ko na yung tingin ko mula sa table papunta sakanila. Naka poker face ako na nakatingin sakanila.

The more you hate the more you loveWhere stories live. Discover now