Battle 56

940K 19K 5.7K
                                    

Yannie’s POV

“Anong ayos niya ngayon?”

“He seems fine. He’s doing great, actually.”

“Seryoso?”

“Kailan ba ako nag-joke?”

Hindi ko mapigilan ang pakinggan ang usapan nila Ice at Zoe. Hindi naman sa chismosa ako pero sadyang malapit lang sila sa akin. Literal na malapit. Nakaupo kami sa sofa at katabi ko lang silang dalawa. Para tuloy akong extra dito.

“Naninigurado lang. Biglaan kasi masyado. Hindi ba parang.. ang bilis naman? Kasi wala pang isang linggo nang kausapin niya ‘tong isa at nang makita niyang magkasama si ano at kuwan. Sinuntok pa nga niya ‘di ba? Tapos ngayon parang walang nangyari?”

Napatigil ako sa panunuod at aaminin ko, ngayon, sinasadya ko na ang makinig sa usapan nila. Ramdam ko na kasi na si Xander ang topic nila nang marining ko ang salitang “suntok”. Sinuntok niya kasi si Tom last time so I assumed- no, mali, I know na siya ang pinag-uusapan nung dalawa.

“I don’t know. It’s so sudden. Maybe he finally accepts the fact that they can’t be together.”

“What?! Duh, Ice. Of course, pwede pa sila. They’re destined for each other. This is true love, Ice. True love for crying out loud! And true love can’t fade away in an instant. True love is forever.”

“Since when did you become so hopeless romantic?” bakas sa tono ni Ice ang pang-aasar at mukhang umepekto naman ‘yun kay Zoe. Paano kasi, nagkulitan na sila pagkatapos nung outburst ni Zoe.

As for me, lutang pa rin ako. A part of me is happy kasi Xander finally found the drive to move on and live his life. Pero hindi ko rin naman idedeny na masakit pa rin ang nalaman ko kahit papaano. Sa totoo lang, ineexpect kong medyo matagal bago siya bumitaw. Akala ko susuyuin niya pa rin ako. Itetext niya ako kahit na hindi ako nagrereply. It’s not that I want him to suffer longer. Para kasing kung gagawin niya ‘yun, it means na sobra ang halaga ko sa kanya kaya itutulak niya ang sarili niya sa akin. Parang iyon na lang ang natitirang kinakapitan ko sa pag-asang pwede pa kami kahit sobrang gulo na ng relasyon namin. Kaya lang mukhang okay na siya. It’s fine. It’s okay. I’m happy he’s finally moving on. I think I’ll suffer alone. Better naman din siguro na ako na lang ang nasasaktan kaysa kaming dalawa pa. It will just double the pain.

“I’m happy if he’s happy.” Bulong ko na mukhang narinig nung dalawa kaya agad silang napatingin sa akin na mga nanlalaki ang mata.

“Shit, Ice. Daldal natin.”

I smiled at them and told them it’s fine. Walang dapat ikabahala.

I was about to excuse myself nang may magdoorbell. I volunteered to open the door pero inunahan na ako ni Zoe sa pagtakbo.

“What the hell are you doing here?!”

Nagkatinginan kami parehas ni Ice at saka tumakbo sa labas para tingnan kung sino ang sinisigawan ni Zoe. Si Tom pala.

“I’m visiting – “

“Wala kang karapatang tumungtong sa bahay na ‘to. Maski yung hininga mo hindi dapat makapasok dito kaya lumayas layas ka lang sa harap ko baka hindi pa kita matantsya.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon