Chapter XXV [Three words]

68.1K 1.3K 215
                                    

A/N: Play yung song  sa gilid pang background song habang binabasa to :) Di ko alam kung related yung kanta sa kanila... haha :D

**~**

"Bye Babe~ See yah lateeer~!"

"Bye Babe..."

 


"F*CK!!!" D*mn it! 

Naglalakad ako ng mag-isa ngayon pauwi. Kagagaling ko lang ng simbahan and it's already... arrrgh! 11:00 na?! Ba't ang bilis naman ata?!?

Para akong lasing habang pababa ng hagdan. Pagewang--gewang lang ang katawan ko. Buti nalang walang ng taong makakakita ng katangahan ko.

Sino ba naman kasing magsisimba ng ganito kagabi?! Tsaka sarado na dapat to eh kung di lang ako nakatulog sa loob. Kung di lang ako nakita ni Father Miguel... siguro dun na ako magpapalipas ng gabi. 

Huling hakbang nalang eh nasa mismong kalsada na sana ako nang... 

"Err!!!" Napatingala pa ako sa langit. "Bagay nga sa akin ang Jinx." Umulan pa talaga eh! Sirang sira na nga ang araw ko sa narinig ko, sa pagkakasugat ko sa tuhod ... tapos eto pa?! Pwede ba, makiayon ka naman kahit minsan sa akin?!

Ang lakas ng buhos ng ulan at basang basa na ako sa loob lang ng ilang segundo kaya di ko na inisip na sumilong. Para san pa? Tsaka ayoko na disturbohin sina Father.

Nakatayo lang ako habang nakasandal ang likod ko sa isang poste. Nakakaramdam na din ako ng lamig kaya ikinikiskis ko nalang ang dalawa kong palad para kahit papano eh mabawasan naman ang lamig.

Bakit pa kasi ang epal ng ulan na to?! 

"Bye Babe~ See yah lateeer~!"

"Bye Babe..."

. . .

"Bye Babe~ See yah lateeer~!"

"Bye Babe..."

. . .

"Bye Babe~ See yah lateeer~!"

"Bye Babe..."

  

"B--abes? ... Seriously, kelan... pa naging kayo?" I know it's weird that I'm talking to myself. Pero di ko mapigilan. For the second time, inapakan nya yung ego ko! Bumanat banat pa sya kanina tas inalagaan pa nya ako ng magkasugat ako... tapos... tap--os... malalaman kong ... sila na? What's worst, yung Eunice na yun.. she even stared at me na parang nang-aasar.

Bagong gising pa ako tas yun pa unang madadatnan ko? Bullsh*t! Nananadya ba sila?!

"W--hy ... does it hurt ... this much?" Tanong ko sa sarili ko habang sinasapak ng mahina ang chest ko. I'm not literally wounded pero bakit parang pakiramdam ko... the wound is real?

Iniyuko ko nalang ang ulo ko habang naghihintay ng masasakyan. Kung pwede lang lakarin yung subdivision namin mula dito, ginawa ko na. Kaso anlayo netong simbahan dun eh.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon