Chapter XXIV (Caught in the act)

64.7K 1.2K 180
                                    

A/n: Pagbigyan nyo po ako... paki-play po ng song sa gilid habang binabasa to :)) I promise, it's nice... pati na ang meaning.

*~*

 

Xavier's POV

Inaamin kong kahit magdamagan ko pa syang pagmasdan habang natutulog, hinding hindi ako magsasawa. Ang ganda nya kasi kahit simple lang. "Jinx..."

Napangiti naman ako nang bahagyang napasimangot sya matapos ko syang tawaging Jinx. She must really hate that name that much. Bakit naman kasi yun ang pinangalan sa kanya? Hindi nga bagay sa kanya...

maliban nalang kung-- Aist. >_< Hanggang ngayon di ko pa rin ma-gets kung anong problema nya sa pamilya nya. 

Umayos ako ng upo sa sofa na hinihigaan nya dito sa office ko. Matapos nang nangyari kanina sa gym, pinagpahinga ko muna sya dito at nang di rin lumala yung sugat nya sa tuhod.

Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa kanya kanina. Halatang nagulat naman sya... kaya siguro, hindi na sya umimik masyado matapos nun. Kaya kesa iwasan nya ako, I told her that it was just a joke. Kahit ang totoo, it wasn't.

Sinundot ko ang kanang pisngi nya, gamit ang daliri ko saka dahan dahan nang hinaplos ang mukha nya gamit ang kamay ko. Mas lalo akong napangiti habang nakatitig sa maamo nyang mukha habang natutulog.

"Bakit bihira ka nalang ngumiti? Alam mo bang, miss ko na yung ngiti mong yun?"

I just want to express my feelings for her... habang natutulog sya. Ayoko na kasi ng tulad ng nangyari kanina na kelangan ko ding bawiin kaagad yung sinabi ko kasi alam kong hindi nya naman ako gusto. 

"San na ba yung signature smile mo?" I honestly miss her smiles. Hindi ko na sya gaanong nakikitang ngumingiti... and if she does, it's fake o yung tipong hindi na para sayo di tulad noon. I wish I have recorded those times that she smiled for me. Ewan ko ba, pero dalang dala ako sa mga ngiti nya. Napakatingkad na mas lalong nagpapaganda sa kanya.

Pinisil ko lang ng mahina ang napakalambot nyang pisngi. :) Hindi pa ako nabibighani sa isang babae tulad ng pagkakagusto ko sa kanya (maliban na lang dun sa baby girl). Maybe because, she's different. Sobrang iba at nagawa pa nya akong ligawan... sabay ng mga banat nyang, inaamin kong tumatalab sobra. <3

"Mei, hindi ko ineexpect na isang studyante ko pa ang magtuturo sa akin na magmahal. Kahit si Eunice, na syang childhood friend ko, hindi nagawang turuan akong magmahal." Pinat ko yung ulo nya saka nagpatuloy, "Sorry at di ko masasabi sayo to pag gising ka na. Ayoko lang na umiwas ka sakin... at malala pa, Prof mo pa din ako."

Inipit ko ang buhok nya sa tenga nya. "Alam mo ba kung bakit ayokong bumagsak ka sa subject ko? Cause I'm planning to court you after you graduate." Yun ang binulong ko dun sa gym kaso buti nalang di nya narinig. Hindi kasi ako sanay umamin na may gusto sa isang babae. "Pag bumagsak ka, you would spend another sem to retake the subject... de mas matatagalan ang pag amin ko sayo."

Gusto ko naman sanang aminin sa kanya kaso, pano nalang ang ethics? Isa akong Professor at estudyante ko pa sya. Kahit gusto ko man sya, kelangan ko pa ding maghintay sa tamang panahon. 

Nabigla naman ako sa biglang paggalaw nya. Akala ko nagising pero hindi pala. Di rin sya nagbago ng pwesto. Pinagpatuloy ko nalang ang paghaplos sa mukha nya, hanggang sa nahinto ang daliri ko sa labi nya. 

Ano kaya ang feeling magkaroon ng first kiss? Hindi pa kasi ako nakakahalik kahit kanino. I'm already in my 20's pero never been kissed at NGSB pa... wala naman kasi akong pakialam sa ganyan. Masaya na ako at contented sa mga librong kasama ko.

"May first kiss ka na ba?" tanong ko habang hinihiling din na sana wala pa. Sana nga wala pa. Kasi gusto ko, ako yung maging una nya... at sya din ang magiging una ko.

"Kung may makikita man sa akin ngayon, siguro iisipin nilang baliw ako sa pakikipag usap sa isang taong natutulog." Pinisil ko ulit ang pisngi nya... at di na napigilang ilapit ang mukha sa napakakinis at amo nyang mukha.

She looks like an Angel...lalo na pag ngumingiti na. Hindi ko alam kung anong meron pero may something sa ngiti nya di ko matiis.

Hinalikan ko sya sa noo nang limang segundo bago ulit pinagmasdan ang mukha nya.

"Bilisan mo ah? Nang makapagtapat na ako sayo. Hihintayin kita.

Wag ka ding papabagsak... kundi lagot ka sakin. :)"

Piningot ko pa ang ilong nya bago tumayo at--

 

 

"X--avier? ... You like her?"

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon