Chapter LVIII [Tutorials]

43.4K 857 166
                                    

A/N: You can play the song sa gilid. Love Falls ♥ MERRY CHRISTMAS EVERYONE! I LOVE YOU ALL.

**

“Extend 5 minutes, Sir.” Ngumunguya pa ako nyan ah samantalang sinasabi ‘yan sa kanya.  

Andfsjdsafjkds. Hugis puso na mga mata ko habang kumakain. It’s so yummy, nakakainlove~! Ngayon ko lang nalaman na masarap  gumawa ng cookies si Xyla. Pwede na syang maghanap ng jowa. Hihihi. :”)

“Again? 20 minutes ka ng kumakain. Hindi pa tayo natatapos sa isang chapter.” Reklamo nya habang sinusuri ang mga pahinang hindi pa nya natatalakay sakin. “Let’s continue now.” Kita nyo ‘to, ang atat lang.

“Later~ Uubusin ko muna ‘to.” Halos yakapin ko na nga ang pinaglagyan ng cookies.

Kaso, poof! It’s not anymore in my arms. Kinuha ng geek na to. Urgh! “We should start.”

“Duga nito! Minsan na nga lang akong kumain ng madami e.” angal ko. Nakakainis ah. Minsan lang kami magbonding ng pagkain, komokontra pa sya.

“You can eat later.” Pasimpleng sagot nya at nagsimula na nga ulit syang magtalakay sa pinkaboring na subject na alam ko-biology.

Blah blah blah. Para syang nanghehele. Ni isang salita wala akong maintindihan. Panay pikit din ng mga mata ko habang nakatitig lang sa nilayo nya saking jar of cookies.  

“Are you listening?”

Kroo. Kroo. Kroo. Not even a single sound to answer him. All I care about right now is those cookies begging me to eat them.

“YAH!” sigaw ko nang iharang nya ang napakapal na biology book sa tanawin. “Pati ba naman pagtitig sa cookies, hindi mo ko mapagbibigyan?” Halos sumayad na nguso sa sahig. Kanina pa kasi sya kill joy.

“Why are you like this?” Magkadikit na ang dulo ng mga kilay nya at nakasimangot na din sya.

“Isn’t it obvious?” Hindi na kelangan itanong pa. Halata naman kung bakit ako nagkakaganito. Why are guys so insensitive?

Sumandal sya sa kinauupuan nya saka tumingin sakin. “Why?”

Tumingin ako sa cookies at saka ulit sa kanya. “Naglilihi kasi ako Xavier.”

At yun! Nakatanggap ako ng isang batok mula sa pinakamamahal ko.  Bakit lahat nalang ng taong sinasabihan ko na naglilihi ako, di naniniwala?

“Napaka--”

“Ganda ko. Alam ko, Xako.” dugtong ko. Well, it’s pretty obvious that he’s gonna say that.

Napabuntong-hininga sya. Napahawak pa sa noo nya at ramdam ko… ramdam na ramdam ko ang tagos hanggang buto nyang titig nya sakin. “Baka matunaw ako nyan Xavier, wala ka ng mapapangasawa.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon