Chapter IX [ Sapuuul! =____=]

79.8K 1.3K 176
                                    

Santa Claus is coming to town ♫

Wieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee ♥♥♥ DECEMBER naaaaa!!! Di ko man lang namalayan. Ngayon ko din lang naisipang i check ang kalendaryo namin. Hoho ^O^ Panigurado andami kong gift galing kay Dad netoooo!!! :"""">

"Good afternoon Class." Ibinaling ko ang atensyon ko sa lalaking nasa harapan namin.

=______________= Taeng EYEGLASSES yan oh! Paniraaaa ng view.

"Good afternoon Sir" nag aalalang sagot naman ng mga kaklase ko. Normal na ang ganyang reaksyon pag WEEKLY EXAM namin.

Bakit pa ba kasi nagpapakahirap na mag aral kung di man lang talaga yan yung MAJOR namin kaya ok lang kung maka 3.0 lang ... tsaka kung ayaw pumasok sa utak, eh bat pa ipagpipilitan dba?

Inilapag na nya ang bag nyang may lamang laptop at isa pa, na mukhang may laman ng test paper namin. 

"Since we haven't had our weekly exam last week ... we have agreed to have it today right?"

Tumango naman ang mga kaklase ko bilang sagot sa kanya... pero patuloy pa din sila sa pagreview sa mga notes nila. AKO? Wala langssss... CHILL. Haha xD Alam ko namang di rin ako papasa eh :)

"Good. So let's start."

Ibinigay na nya sa mga taga first row ang mga papel saka pinagpapasa sa amin.

Nagsimula na nga kami sa exam.

Tinignan ko ang first question...

=_____________________=

Hanubeeeeh. Bagsak na talaga ako.

< In this phase, the chromatis concentrate in the poles and the nuclear envelope is reformed and the spindle again is dissolved. >

Yan yung tanong.

>_____> Sorry wala talaga akong alam.

Buti nalang at may choices ang Part na to kaya kahit anong letter nalang ang pinagbibilugan ko... at least, may 25% chance akong makatama sa bawat tanong. HAHA! XD

. . .

. . .

30 minutes na ang nakakalipas. 

Tapos na ako. ^_______________^ Wieeeeeee!!!

Pagtingin ko sa iba, ayun... nagsusulat pa ng essay. Yun ang part 4 ng exam namin para matest talaga kung ano ang naiintindihan namin. 

Tapos na akoooo duun :))

Hinila ko na ang upuan ko.

Napatingin sakin ang lahat. AKO palang kasi ang unang magpapasa.

Lumapit ako sa teacher's table saka inabot sa kanya ang test paper ko

"Ipapasa mo na?" takang tanong nya habang pinagmamasdan ang papel ko.

"Yes" nakangiti kong sagot sa kanya

Kinuha nya ang papel ko saka ako bumalik sa upuan ko at sinukbit ang bag ko.

Tumingin pa ako saglit kay Sir, habang pinagmamasdan nya ang test paper ko.

"Ang pinakagwapong geek na nakilala ko..." Natawa nalang ako sa naibulong ko sa sarili ko.

Pag ako talaga narinig ni Cyl, aakalain nung inlab na ako kay Xavier kooo. =.=

Hindi naman ako kelanman maiinlab sa kanya eh, natutuwa lang talaga ako sa kanyaaaa :)

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon