Chapter XXI [HOPE]

66.2K 1.2K 114
                                    

Xavier’s POV

 Inilapag ko ang gamit ko sa kama at humiga muna saglit dito.

 2 weeks… 2 weeks na nang mapagtanto kong nahuhulog na ako sa kanya. Halos two weeks na din na hindi nya ako pinapansin dahil ata sa sinabi ko sa kanya nang mamasyal kami.

Hindi ko naman kasi masabi sa kanya dahil mali tong nararamdaman ko. Hinahaayan ko lang naman syang manligaw sa akin dahil alam kong naglalaro lang sya.

 

 

I know she likes someone else... and that’s Enzo.

With that as a fact, why would I even try to tell my feelings for her? I know, parang tinatraydor ko lang ang sariling sinabi ko noon sa kanya. I told her to confess her feelings towards him… na kahit hindi sya mahal nito ay ok lang. At least nasabi nya ang nararamdaman nya.

It was my advice pero hindi ko man lang mai-apply sa sarili ko. Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala ng advice ko. Seem so easy when said but not when you have to act it.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayokong magmahal. I don’t want problems. Kuntento na ako sa problema sa pamilya, sa nakaraan, sa academe… pero wag lang tungkol sa pag ibig kasi wala akong experience sa ganito. I’ve never been inlove before.

“Kuya!!! Baba ka na!!! Kakain na tayo~!” narinig kong sigaw nang kapatid ko mula sa baba. Xyla’s here kasi sabi nya namiss nya daw ako kaya eto, pinagbigyan ko na at ni Mama.

Tinext ko lang sya ng ‘Coming’.  Hindi ako mahilig sumigaw para sumagot lang sa kanya o kay Mama.

Tumayo na ako saka dumiretso sa cabinet at nagsimula nang maghanap ng pamalit na damit. Kinuha ko yung pinakailalim na t-shirt na nakatiklop. Saktong sa paghila ko may naglaglag mula dito.

Isang lumang larawan.

Kinuha ko ito saka muling pinagmasdan ang larawan nya.

 

** flashback

 

“Xavier... tigilan mo na si baby~ Baka magising yan.” Narinig kong sabi ni Mama sa akin pero patuloy pa din ako sa pagpisil sa pisngi nung baby na nasa crib. Nilusot ko lang ang mga kamay ko para lang mahawakan sya. Ang cute cute nya kasi!

 “Mama! Tignan moooo~!” Tinakbo ko pa si Mama at hinila papunta dun sa crib nung baby girl. “Ngumi-ngiti na naman sya…” sabi ko habang nakatanaw sa kanya. Ang cute! Ganda pa ng mata nya.

“Oh~ Baby gurl, dadating na Mama mo.” Nakatingin lang ako kay Mama nang sabihin nya yun sa bata… para ngang naiintindihan ng bata yung sinabi nya kasi mas lalong ngumiti.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon