Chapter LXII [Wrong send?]

37.8K 710 36
                                    

May 4, 20xx

“Lalabas ka ba o gusto mo talagang kaladkarin kita palabas?!” banta nya na nagpalabas sakin ng kotse. But to let him know how much frustrated I am, binalibag ko ang pinto nito. “May pang bayad ka ba pag nasira ‘to?” Narinig kong tanong nya na di ko na pinansin pa.

Padabog akong pumasok sa kinakalawang na gate ng isang malaking sinaunang bahay.  Napapalibutan ito ng iba’t ibang uri ng bulaklak na waring masayang bumabati sakin sa pagsayaw nila sa saliw ng hangin.  Kahit tila black and white ang dating ng bahay, namumukod tangi pa rin ito sa lahat ng bahay na nakatayo dito marahil na rin sa tingkad ng kulay na dala ng mga nakapalibot dito.

Hindi ko ikakailang kahit sinong makakakita nito ay mapapangiti. Pero kasabay nang pagdampi ng malamig na hangin sa mukha ko ay syang pagkaalala ko kung nasaan ako ngayon.

Nasa probinsya ako. Malayo sa kabihasnan. Walang signal. Walang jeep o bus na dumadaan, puro tricycle lang na minsan lang din lumuwas ng bayan. Walang ding wifi o kaya simpleng internet connection man lang. Pero, alam nyo ‘yong pinakaimportanteng wala sa probinsyang ito na meron sa Manila? Si Xavier ko.

Monthsary na namin bukas. I have already prepared everything. From the flowers I’ll be giving him up until the location of our dinner date. Pati ang music, pinagplanuhan ko na.

But how can I possibly implement my plan when I am here until Monday?!

Ang tanga ko kasi! At napakamautak din ng parents ko! Kinaladkad nila ako sa kotse nang madaling araw kasi daw may pupuntahan kami. Malamang pumayag ako. Sino bang taong antok na antok na makakapag-iisip pang magtatanong kung san kami pupunta diba?! Ugh!

Hindi naman sa ayaw kong umuwi dito because actually I always wanted to. But look, it’s a wrong timing! Kung kelan may importante akong gagawin, saka kami uuwi dito.

“Baby… pumasok ka sa loob at puntahan ang lola at lolo mo.” Bungad ni Dad na nakapambahay na saka naupo sa tapat ko. Iniwas ko lang ang tingin ko mula sa kanya at hindi tumayo. Hindi ako galit. Nagtatampo lang ako, lalo na sa kanya. “You’ve always wanted to be back here, right? Kaya nandito tayo.”   

“But not today.” matigas kong sagot.

“These days lang kasi kami pwede ng Mom mo.” Paliwanag nya sabay bukas ng dyaryo.

Tinignan ko sya na nakatuon lang ang pansin sa binabasa nya. This is the first time na hindi nya ako tinanong about a decision they’ll make which makes me even more frustrated! Pag may plano sila about outings or other things, lagi nya akong kinukonsulta. Pero bakit ngayon wala?!

“You don’t have a class. We don’t have much work to do. Kaya naisipan naming dalhin kayo ng Kuya mo dito, baby.”

“So that’s why you didn’t bother to ask me? That logic is so absurd! Pag walang klase, ibig sabihin ba na I’m not busy anymore? You know, I’ve got many things to do at home!” Naiinis kong tugon sa kanya.    

“Like what?”

First monthsary namin bukas Dad. Alam mo ‘yan.” Sinadya kong diinan ang pagkakasabi ng unang dalawang salita to emphasize those words to him.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon