Chapter LII [Good or Bad News?]

49.9K 896 72
                                    

A/n:This is a very short update. Please play the song on the side. :)

XAVIER’S POV

 

“Naglalaway ka pala pag natutulog?” Pabulong kong tanong habang pinupunasan ang labi nya at pisngi nya dahil nagkalat ito. Nakangiti kong inaayos ang buhok nyang halos tumakip na sa buong mukha nya. Inayos ko din ang pagkakapwesto ng unan sa ulo nya. 

Dito sya natulog kahapon dahil di umuwi si Kai sa Hotel kagabi. Natatakot daw sya dahil doon sa kinukwento daw ni Kai sa kanya na babae. For sure, napagkatuwaan lang sya ng Kuya nya.

"Mmm." Gumalaw na naman sya kaya inayos ko uli ang unan at ang kumot. Ang gulo ng itsura nya, pati na ng kama ko. Di ko akalaing mas lalo pa syang lumikot matulog kung ikukumpara noong natulog sya sa bahay. Madalas syang gumulong na parang bata kaya putol-putol ang pagtulog ko. Dinadagan nya kasi ako o kaya tinatandayan ng biglaan.

Dapat nga mairita na ako sa kanya. Nakulangan ako ng tulog, mga 3 hours lang ata ang maayos na pagkakaidlip ko. At kahit ngayon panay pa rin hikab ko. Pakiramdam ko sa buong madaling araw na katabi ko sya, may binabantayan akong paslit na maya-maya'y pwedeng mahulog kaya kailangan talagang todo ang pagbabantay ko. Kanina din nagsalita sya habang natutulog. Tinapik ko sya ng tatlong beses, saka natulog na uli sya. 

Naging tatay role ko habang katabi sya. Nakakapagod, but it’s all worth it. Binabawi pa rin ng mapayapang ekspresyon sa mukha nya, o paminsan-minsang pagngiti nya habang tulog. She's really that baby gurl. Malikot, andaming ekspresyong makikita sa mukha nya habang tulog... pero maganda pa rin.

Aanhin ko pa ang mga tourist spot kung sya na ang pinakamagandang tanawin sa paningin ko? :”)

Pinisil ko ang malalambot nyang mga pisngi at namuo ang mga guhit sa noo nya. Ang sarap nyang pagmasdan... just like the old days. Matutulog sya sa crib nya, tapos walang sawa ko syang pagmamasdan. Pag gising naman sya, nilalaro ko. Sinusundot-sundot ang malalambot nyang pisngi. Hindi ko magawang ialis ang mga tingin ko sa kanya. She's getting beautiful each passing day. Kaya nang mawala sya, hindi ko akalaing darating pa ang araw na magiging kami… and I’m just so blessed to be given a chance to be with her again.

“You’re not a jinx.” Lahat ng nagawa nya pati na 'yong sa University, all of those have a reason na sana man lang nalaman ko ng maaga para di na nagkagulo pa. “I’m sorry for not doing my part in knowing the reason behind your every action. I’m truly sorry for saying such hateful words to you.” Nabigla ako sa ginawa nya kay Tita ng mga oras na 'yon, idagdag pa ang complications saming dalawa... kaya di ko na nagawa pang maging rational sa mga sinasabi ko. Kaya gusto kong bumawi. “I’m really sorry. Pipilitin kong intindihan ka kahit di na kita maintindihan.”

Hinalikan ko ang likod ng kamay nya at pinisil ito. I won't lose this girl again. Nagulat ako nang bigla nyang tinawag ang pangalan ko. “Xavier.” Nakamulat sya pero halfway pa lang. Antok na antok din ang tono ng boses nya, at di ang usual na mararamdaman mo ang pagiging hyper nya base sa boses nya.

“Ano ‘yon?”tanong ko. 

Itinaas nya ang kamay nya, pilit na inaabot ang mukha ko saka hinaplos. “Xavier ko, alam mo ba sabi nila lumalaki ulo ko.” Halatang antok na antok pa sya dahil papikit-pikit pa ang mga mata nya nang sabihin nya ang isang bagay na napakarandom. Pero nagawa pa rin nyang ngumiti at ituro ang ulo nya. “Natural lang naman ‘yon dba? E ikaw kaya laman neto… ano tingin nila sayo, maliit?Napatawa sya ng saglit at napaidlip na uli.

Iniwan nya naman akong nagpaypay ng sarili kong kamay. Lagi nalang, lagi nalang talaga.Ang kulit nya. Kahit ba naman na she's just half-awake? She really has this ability to make me blush at sa tinagal tagal na ginagawa nya ‘to, how come I’m still not immune? To be honest, nagre-research ako ng mga banat na pwedeng ipangtapat sa mga banat nya. Madami naman pala sa internet. Kaso nga lang, sa twing sya ang nauuna o ngumingiti palang sya, nalilimutan ko na lahat ng pinagpractice-an ko.

In the end, I still lose to her charm.

“You don’t have to worry Mei. We’re alike." sagot ko nang masiguradong tulog na uli sya. "Ana gani sila mura daw ko ug boang. Pero di man na tinuod. Sala ba diay ng mapahiyom ko kung maghuna-huna ko nimo? (Trans: Sabi nga nila mukha daw akong baliw. Pero di naman totoo ‘yon. Kasalanan ko bang napapangiti ako sa twing naiisip kita?)” Yan ang sabi ng mga kaibigan ko sa bahay ampunan noon. Nagkita-kita kasi kami just last week sa isang mall dito sa Cebu, and some instance daw, natutulala lang daw ako at napapangiti sa sarili ko. :)

Kahit sino naman sigurong in love, may instances talagang lumilipad ang isipan, hindi ba?

Napanglingo ako sa naiisip ko. I thing I’m getting out of my character every single time I’m with this girl. Nagiging makeso na yata ako, which is so opposite to what I used to be. 

Tumayo na ako at dumiretso sa mini-kitchen.

Nakapagluto na ako ng breakfast namin kanina pang mga 5:30 ng umaga. Hinanda ko lang ng maaga para pag gising nya, everything is set at di na nya kailangang maghintay pa. And in case na lumamig na ang ulam at soup, pwede ko namang initin.

 

I turned the radio on saka nagbasa ng newspaper... and after a second nagchange of song na ang station. It's playing a Taylor Swift song. I'm not a stan of her. Kilala ko lang sya dahil sa may nabasa akong quote mula sa kanya.

We should love, not fall in love... because everything that falls, gets broken.

Seems legit but not for me. Kung nabasa ko 'to na hindi ko pa nakikilala si Mei, siguro sasang-ayon ako. Pero nabasa ko 'to after falling in love so it will be the other way around.

My reason is simple. Kasi kung totoo yan... bakit, imbes na masira, nabuo ang buhay ko nang mahulog ako sa kanya?

"Awh" Thinking too much isn't a good idea, huh? Napaso pa ako.Tsk. 

“Good morning dear cousin. Thanks for taking good care of sissy last night." bati nya nang pumasok sya bigla sa mini-kitchen at nakapanglakad pa rin ang suot nya. Halatang kadadating lang nito mula sa kung saan. Napatingin sya sa mesa at tumingin sakin. "Can I have some?"

"No." I immediately replied without hesitation.

"You should really be my sister's husband. You suit each other. Lagi nyo akong inaaway."  Hinila nya ang isang upuan sa tapat ko at umupo. "Can I have a coffee?" tanong nya na tinanguhan ko lang. "The door is not locked kaya pumasok na ako. Aside from that, I have a news for you. I got a call from our Princess.” Balita nya habang tinitimplahan ang sarili nya ng kape.

“Xyla? Ano ba sabi nya?” tanong ko, matapos ibaba ang dyaryo sa mesa.

He took a sip before answering me, “You should start packing your things. Your parents want to talk to you together with my sister.”

Talk with me and Mei? Alam nila?

Parang nabasa ni Kai ang isipan ko at agad nyang sinagot ang tanong ko. “Yes, they already knew about your relationship.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon