Chapter XXXVII (Expect the Unexpected)

68.3K 1.1K 124
                                    

February 14, 20xx

--

"ARRGGGGHH!" Ang lakas ng impact ng pagkakaupo nya sa lupa. Kitang kita ang hapdi sa mukha nya habang hinihilot nya ang ankle nya. "Ba't ngayon pa?!" asar nyang sigaw habang patakbo ako sa kanya. 

"Ang lampa mo naman Kapre! Tsk! Tumayo ka na nga dyan!" Hinampas ko sya likuran nya. "Dali na! May gagawin pa tayo." Oo, ako na ang CONCERN -___- Yae kasi, anlaki laking tao... ang lampa pa! 

"Tss." Patayo na sya habang nakatukod dun sa pader sa gilid nang... "ARRRGGH!" Nabagsak uli sya lupa. This time, batid kong mas malakas pa kesa kanina. Mas lalo kasing napakalakas ang daing nya. 

Lumuhod ako saka sinuri ang ankle nya. "Bwiset! Namamaga Kapre. Kelangan mo atang dalhin sa clinic~!" Sinadya ko talagang lakasan ang boses ko nang sabihin yun... para marinig NYA usapan namin.

"Tara, aalalayan nalang kita." Ipinaakbay ko sya sa akin habang nakahawak ako sa may waist nya. Eh sa kelangan nya ng tulong... de di na sya umangal.

Nakakailang lakad na kami nang may maalala ako. Tch! "Oy, bukas ba clinic ngayon?!" Pinaghalong asar at pag-aalala kong tanong sa kanya. "Tss. Dahan dahan lang..." Inaalalayan ko pa rin sya habang naglalakad sya ng mahina. Nanginginig pa nga tuhod nya sa bawat hakbang na ginagawa nya. 

"Uuwi nalang ako pag sarado." walang enerhiya nyang sabi. Parang di si Kapre tong kausap ko =___= Nawala pagiging hyper nya.

"Geh, para mas lalong lumalala yan." 

Lakad kami ng lakad hanggang sa narating namin ang clinic.

"Bwiset." bulalas ko nang makita na nakapad lock ito plus the sign saying it is 'CLOSED'. Ang bigat neto, tas close lang din pala to?! Ano gagawin ko dito? "So pano ka uuwi ngayon? May wheelchair ka ba? Ang laki mo pa namang tao!" reklamo ko habang iniirapan sya. 

Hindi ako nang-iinsulto, sadyang honest lang ako. -.- Tsaka sanay na sya sakin yan, at ako? Sanay na sanay na din pag sinasamaan nya ako ng tingin pag ganun ako magsalita sa kanya. "Kaibigan ba talaga kita?"

"Sa pagkakaalala ko... hindi eh." Nag poker face tuloy sya at siniko ako. And I know, what he means by that. "Oo na, aalis na~" sabi ko saka inalalayan ko uli sya paalis dito sa clinic. 

Saktong pagtalikod namin, eh nasa harap na namin sya. ^_______^v  Epektib~! Hahahaha~! Sa wakas, lumapit na din.

"O? Ate Jilian? Kala ko ba di ka papasok?" Napatitig sya sandali kay Kapre... pero dali naman nya itong nilipat sa akin. 

"Aaaahh.. a--no kasi... wala lang. He.he." Napaghahalataang tense sya kasi magalaw yung kamay nya. Parang di sya yung makulit na Ate Jilian na kilala koooo~ "Ano.. umm.. ano ginagawa nyo dito?" tanong nya matapos tignan ang likuran namin... which is the clinic.

"Ipapacheck tong si Kapre. Di makalakad dahil sa pagkakabagsak nya kanina. Kaso sarado yung clinic. Bukas nalang sya ipa-check up kahit dapat ngayon nga eh~ baka kasi lumala pa." Di naman halatang nagpaparinig ako while explaining to her what happened right? hihi~ xD

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon