Chapter XXVI (I'm just his...)

70.4K 1.3K 106
                                    

A/n: Iplay nyo po ang song the whole time na binabasa to kasi ito yung music sa radyo ng sasakyan ni Mei :)

*~*

"Ang tanga mo talaga Mei." naibulong ko habang tinatanaw sya mula dito sa kotse ni Daddy. Dumating kasi sila kahapon, kaya hiniram ko na muna ang kotse nya papuntang school. Marunong naman akong magmaneho kahit papano.

"Umalis na tayo..." I said to myself, pero... ewan ko ba, di ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya na nakatayo sa gilid ng kotse nya.

I think his waiting for someone... Eunice for sure.

Para lang akong isang admirer na hanggang tingin lang mula sa malayo. Ang pathetic talaga. Ako na nagpapakatanga ng dahil lang sa isang GEEK na niligawan ko for fun, na dapat tinuruan kong magmahal ... not expecting that I'm gonna be hurt in the process. 

"Sana pala nalaman ko in the first place na kahit geek ka, may minamahal ka na pala. I would have not wasted my time playing around."

Napabuntong hinga ako habang nakatingin pa din sa kanya na ngayon ay inaayos ang eyeglasses nya habang yung isang kamay nya ay nasa loob ng bulsa ng pantalon nya.

"Mga panirang eyeglasses talaga. Ha-ha" I could still remember how much I hated those glasses before... and even until now. Panira kasi ng view eh! Ang pogi nya sana kaso sa suot nyang yan, tas sa damit pa, plus ang laging pagharap nya sa mga libro... geek na geek eh! 

But then, kahit ganun sya... mas gusto ko nalang din ang ganun kesa gwapo nga, magaling manamit, pero manloloko naman. That's why I can't help but compare him to Kuya Johna na sobrang galing sa kalokohan.

"Xavier ko," I know he's not mine. He was never mine. But still, I want to call him that way... 

"X--avier k--o..." Napakagat labi ako sa nakita ko. She hugged him. He hugged her back.  Dumating na kasi hinihintay nya. Sino? Si Eunice. "Be faithful to that b*tch." Pasensya na pero di ko na mapigilan ang sarili ko calling her that way cause she really is. 

Bakit parang ang pait ata ng panlasa ko? Kinuha ko nalang yung maliit na salamin to check my tongue pero iba nakita ko. It's my eyes fault. 

"Talo ka na nga, iiyak ka pa? Gaga ka?!" sabay punas ko sa mga luha ko.

Sa totoo lang, I've never cried this much after the night I've known something 5 years ago. Kasi sabi ko sa sarili ko, weak lang ang umiiyak. At hindi ako weak! Di ko matatangap na weak ako... cause I'm strong. Siguro nga lang, my strength wasn't enough to bear with the pain.

Nakatingin pa din ako sa kanila na mas lalong nagpapasikip ng dibdib ko. Tanga tangahan lang peg ko nuh? Dapat kasi magdrive na ako paalis ng school.. pero eto ako, nanood pa ng isang free & live romantic movie. Masokista na kasi ata ako.

"D*mn this feeling..." I can't control my tears anymore kaya hinayaan ko nalang. Pampabalabas na din ng sakit.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon