Chapter XXIX-a (First day of February ♥)

72.1K 1.3K 187
                                    

"Kyaaaaaaaaaaaaaahh~! Ang swerte ni Cyl!!!" tilian ng mga shokla kong friends "Ang pogi ni Sir~!!!"  sabay yugyog pa sakin ni Ryza >.< Tangena! So dapat sirain eardrums ko at alugin ako?! 

"You're so HANDSOME Sir Marves~!" Sabay sigawan ng lahat pati na mga kaibigan kong nasa tabi ko lang naghahamapasan sa sobrang kilig! Err! Kanina pa ako inis na inis sa kanila kasi kita namang naglalaro ako saa cp ko tas, dinadamay pa ako sa pagiging ... fangirl nila? Tch. 

We're here in the auditorium.  Oo kung san pinagpraktisan ako ni Xavier. -____- "Wala ba kayong paypay dyan?!" asar kong tanong sa kanila na tutok na tutok dun sa stage. Psh. Di ako pinansin ng mga luka~!

De aircon naman tong auditorium.. ang panget naman kung di dba? Kaso ang init pa din sa sobrang dami ng studyanteng nagsisiksikan. Ewan ko ba kung naiinitan sila kasi parang hindi.. o baka naiinitan ako kasi gusto ko na talagang lumabas. 

Boring eeeeh~

"Omaaaay~!!! Cyl!!!" +__________+ Buti pa sya andun sa stage, di mababaliw sa mga katabi kong ang lalakas sumigaw~!! 

Andito nga pala kami because it's already February--love month as they call it. At dahil ang OA ng school na to, every first day ng Feb eh waley talagang klase dahil may activities related sa alam nyo na >.>

"Sana naman nabunot ako ng kahit isang Prof~!" kilig na kilig pang padadasal netong si Ming2x na nasa tabi ko lang. Kanina pa syang ganyan. 

Ang pakulo kase eh... magpe-perform ang mga Professors mapababae man o lalaki. Yung mga bata at fresh pa eh haharanahin yung student na nabunot nila awhile ago sa likod ng stage. Oh dba? Ang OA -____-" tas yung may edad na, pe-perform pa rin pero syempre, with their wives or someone sa faculty... para daw ma feel ang essence ng love is in the air~~

"Posible pa pero babae ang makakapares mo" sagot ko sa kanya habang pinagpapatuloy ang pag iinternet sa cp ko. 

"Jinx naman eeeh >3<" Tss. Alam kong naka pout na naman yan.

"Di bagay!" hindi ko pa rin sya tinitingnan nyan.

"Eeeeeeeh!!! Gusto ko kas-- OMO! Next performer na?" tanong nya dun sa iba. Malamang sinara na yung kurtina matapos ang performance ni Sir Marves at ni Cyl. Oo si Cyl nabunot nya. 

"Sino kayang susunod?" tanong nya.

"Aba malay ko -.-" itanong pa talaga sakin. 

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH~!!! SIR XAVIER!!!"Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigawan nila at nagsitayuan pa!  /(>.<)\ Meh gheeeed~! Di ba nasisira sarili nilang tenga sa kakatili nila?! Mapaos sana kayo!

Mukhang sinenyasan naman silang maupo kaya naupo naman agad sila.. pero di pa rin maalis yung ingay nila. Dun ko lang nakita ang itsura ni Xavier sa stage. Nasa ikatlong row kami sa harap kaya kitang kita ko na sya. He was wearing a white polo, na may pagka see-through >__> tas di nya kasama ang bestpren nyang  eyeglasses.

Luminga linga pa sya na parang may hinahanap. Nang mapatingin sya sa direksyon namin, dun lang sya nagsimulang mag strum.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon