EPILOGUE

52.9K 1.1K 258
                                    

[I dedicate this to  the real Xavier ko of my life. Sana maging masaya ka, I mean kayo pala. Honestly, nakakabitter kayo pero ano pa ba magagawa ko? Pinagtagpo lang tayo, habang kayo naman ang itinakda. So just be happy and I’ll be happy for you as well. Saranghae. <3]

 A/N: Uunahan ko na kayo, sorry kung bitin ha? But this is it. You can play pala sa gilid ang song :)

**

EPILOGUE (3 years passed)

 

Sabi ng mga magulang ko, wag makipag-usap sa mga taong di mo kilala. Pero hindi ko sila pinakinggan…

 

That’s why I have these bunch of idiots like me called ‘friends’.

 

 

“Teh tagal din ng Xavier mo! Kanina pa kami naghihintay ‘don oh!” Hinihingal na reklamo sa akin ni Cyl matapos magtatakbo na puntahan ako.

“Oo nga! Baka kalawangin na ‘to Jinx!” dagdag pa ni Ming-ming na halatang nababagot na winawasiwas ang posas.

“Wala syang balak pumasok since University Days ngayon.” Sabi ni Ashley kaya nasiko ko sya. “Peace!”

 

Alam kong darating sya. At hindi pwedeng hindi, kasi kinuntsaba ko na halos lahat ng estudyante dito sa bagong University na pinapasukan nya for this. “ATE MEI!!! ANDYAN NA SI SIR!!!” sigaw ng mga estudyante nya na kaibigan ko na rin. Hahaha!

“Hear that? Pwesto na!” sabay signal sa lahat to move to their places and do their work.

 

 

Sabi din ng mga magulang ko, wag maging pasaway. Be a good girl everywhere kumbaga. Pero di ko sila sinunod…

 

That’s why I caught his attention.

 

 

“ALERT! ALERT! Lalaki. Nakasuot ng pink polo. May dalang backpack sa likod. Naka-eyeglasses. Isang geek biology Prof. At higit sa lahat, sya ay nagngangalang Mr. Xavier Felix Arellaño. AREST! AREST!” Agad nagsitakbuhan lahat ng dadakip sa kanya mula sa jail booth nang marinig ang announcement sa radio booth.

Tawang-tawa lang ako sa ekspresyon ng mukha nya na kitang-kita dito sa kinatatayuan ko. Gulat na gulat sya at kahit nagpumiglas pa sya e di nya pa rin nagawa, andami kayang nakapalibot sa kanya. Mga 20 lang naman silang humahatak sa kanya papunta dito sa pwesto ko. Hihihi.

At higit sa lahat, sabi ng mga magulang ko, dapat Maria Clara ang dating ng isang Pilipina. Mahinhin at di nagbibigay motibo sa isang lalaki. Pero sinuway ko sila at niligawan pa nga sya…

 

The very reason why he is now MINE.

 

“Sir Xavier ko, I love you!” sigaw ko gamit ang microphone na dahilan ng paglingon nya sa akin. Kung kanina puno sya ng tanong sa nangyayari, ngayon ay nasagutan na nang makita nya ako.

Pasaway nga talaga siguro akong anak. Hindi ako nakikinig sa mga magulang ko. But I chose to break their rules which started a love story I never thought I would ever have.

Sabay nang pagkawala ng mga linya sa noo nya ay ang pagbakas ng ngiti sa mukha nya nang nasa harap ko na sya. “Sir Xavier, bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay eh.”

“Sorry. Napasarap kasi tulog ko.”

Imbes na mainis ay mas lalo akong napangiti sa sagot nya. "Napasarap ang tulog?"

Tumango naman sya.

"Alam ko kung bakit. Ako ang napanaginipan mo no? Aminin!" pang-aasar ko na tinawanan nya lang. 

Isang love story na nagsimula sa ‘for fun’ pero naging ‘for real’.

 

 

“Okay let’s do this." Lumuhod ako sa lupa na syang kinagulat nya. Nag-react din ang lahat ng nakapalibot sa amin, syempre, di ko naman sinabing may ganito. Hahaha.

“Wa-it. What are you doing?” Lalapit sana sya sa akin pero di nya nagawa kasi agad syang nahawakan nina Cyl.

“Sir, I’m doing this kasi gusto ko ng makita ang pangalan mo…”

 Huminga ako ng malalim at ngumiti. “Sa marriage certificate natin.”

 

“You mean--” at hindi sya nakapagsalita pa sa sobrang gulat at nababasa ko kung ano iniisip nya. Hahaha!

“Dyan sa marriage booth ba!” paglilinaw ko. “Akala mo sa simbahan na talaga? You should be the one proposing pag totohanan na!” And just like the old days, he blushed furiously. Asdfadsnfkdas… I really can’t get enough of his cuteness! :”)

Isang love story na parang hugis bilog. Ngayong nasimulan na, di na magtatapos pa.

“So Sir Xavier ko,” Inilabas ko ang isang maliit na kahon, binuksan ito, at nilabas ang sing-sing galing ng marriage booth. “I’ll make this easy on your part. Dalawa lang ang pagpipilian mo, okay?” Huminga ako ng malalim. Itinaas ang sing-sing, tinitigan ang mga mata nya, at nagtanong,

“Xako, papakasalan mo ba ko o...

pakakasalan kita? ♥

 

 

At isang love story na nabuo namin ni Xavier—the man who made me realize that a jinx like me… can be lucky afterall.

 

*ENDING*

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon