Chapter XVIII (Nang dahil kay Kapre...)

67.8K 1.2K 93
                                    

"Wala akong pera ok?!" Naasar kong sabi dito sa kapreng hindi man lang ata nakikinig. Titig na titig sya dun sa dalawang sinusundan namin. 

"Huy!" Sinapak ko sya sa braso nyang maskulado (~~,) ... at dun lang sya humarap sa akin. "A--no ba?! Di ka ba nakikinig?!" Kitang kita ko pa ang pag alog ng nakasabit na key chain sa pantalon nya. Sya kasi nakatokang magdala ng susi namin sa bahay.

"Ako na magbabayad." sagot nya. Eh? (o?O) Ibig sabihin-- "Pero di to libre, kaya may utang ka pa!" Tss. >__<

Hindi na ako nakapalag nang hilahin nya ako dun sa bilihan ng tickets. Bumili din kasi yung dalawang mag jowa ata, kaya eto... bumili na din kami.

"Bili muna tayo ng popcorn." Yaya nya sabay hila ulit sa akin. Hanuba >__< Bakit ang hilig nyang manghila??!

Bumili na nga sya nung large size na popcorn. Yung babae namang nag entertain sa kanya, todo kislap ang mata. Henebee. =,= Kahit dito may malandi din?!

Nag abot na sya ng pera dun sa babae. Nginitian nalang nya ung babae nang hawakan pa talaga ang kamay nya bago kunin yung pera. Tss. >___> Grabe! Babae na pala talaga ang dumadamoves ngayon eh!

So tama lang pala ang ginagawa ko kay Xavier... kaso may lecheng gf na. Dyahe!

"Pakibitbit." utos nya sabay bigay sa akin nung dalawang magazine. Actually, sa bahay namin yung magazine na mga ito. Kinuha lang naman nya tas dinala. Naging pang cover namin yun sa mga mukha namin the moment na mapapalingon yung dalawa sa pwesto namin.

=__________=

De para kaming timang. Nagbabasa ng magazine sa loob ng mall. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao lalo na pag sa may gitna kami napapahinto para magkunwareng nagbabasa. Tss. Tas naka shades pa akong nagbabasa!

Pumasok na kami sa sinehan at hinanap kung san nakapwesto sina Xavier. Nakita naman agad namin sila kaya itong si kapre... dire-diretso sa row na likod ng row na inuupuan nina Xavier.

Naupo pa nga kami sa mismong likod nung dalawa.

"Sakto lang pagdating natin."  bulong nya nang magsimula na ang pelikula.

"Pakingshet" malakas na pagkakasabi ko kaya siniko nya ako.  Buti nalang at nakikipaglandian yung Eunice kay Xavier kaya ayun... di kami napansin. Err -,-

"Ibulong mo lang ok?" he mouthed pero sinamaan ko sya ng tingin kahit di nya naman kita.

"Di ako magbabayad ng utang ko. Ang panget pala netong pelikula na pinapanood natin eh," Pure romance kasi yung movie. Eh sa di ako mahilig sa ganyan, at ang gusto ko ay aksyon! Siguro yang Eunice na yan ang namili ng panonoorin nila Tch!

"Oo na." halos pabulong nyang sagot at nakatingin ulit sa malaking screen sa harap.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon