Chapter XLVI (STORM)

54K 977 90
                                    

 

"Convince your cousin Kai. Opportunity na nya 'to. We knew how much he wanted this before. Atsaka para maturuan ka na din nya. Ikaw lang naman ang magmamana nang kompanya natin o kaya kayong dalawa para mas mapalago nyo negosyo natin. Please?" Ang mga mata na 'yon, na nagmamakaawa, ang pinakakinaiisan ko na view sa mga oras na to. Para syang kontrabida sa isang drama na nagbabait-baitan para lang masunod ang gusto nya.

Gusto ko syang lapitan at buhusan ng pinakamalamig na tubig at ipahiya sa lahat. Gusto ko syang makitang umiyak pati na ang biological father ko. Gusto kong lumuhod sila sa harap ko habang humihingi ng tawad sa akin.

I want them to suffer as much as I did. Hindi man ako nag-suffer physically, but emotionally I did. I was even rejected before, hindi man nina Mom at Dad pero ni Kuya Johna. Every single day, lagi kong tinatanong kung bakit hindi sya tulad ng ibang Kuya na babantayan at pro-protektahan ang kapatid nila? Sya pa nga mismo nagpapahamak sa akin noon e. Buti nalang at nagbago lahat ngayon. 

"I already told you. That was before. Masaya na sya dito." narinig kong sagot ni Kai sa kanya. "Why would I force someone who wants to stay here?"

Natahimik sya. Uminom lang sya ng juice at binagsak ito. "Babae ba ang dahilan kung bakit gusto nyang mag-stay dito?" tumaas na ng konti ang boses nya habang titig na titig sa anak nya. 

"And what if I say yes?" 

"Then pay her." Nasuntok ko ang table na kinauupuan sa sinabi nya. "Sa pagkakaalam ko di naman sila ni Eunice so it's another girl hindi ba? Sigurado akong pera lang ang habol nya sa pamangkin ko.  Nung nagkita tayo sa isang resto with Xavier at halatang wala sya sa sarili nya, I guess my problem sila ng babae nya. Hay. Kawawa naman si Xavier. Ipagpapalit lang nya ang opportunity nya sa isang babaeng walang kasiguraduhan." 

Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko sa sobrang inis at galit. How could she say that?! Lahat ng sugat na sana peklat nalang noon ay ngayon bumabalik ang hapdi. Gusto ko syang sugurin at sampalin. Pero, lahat ibinuhos ko sa inorder kong pagkain, through stabbing the fork.

Napakagat labi akong tinitignan sya. Siguro, ganyan din sya. Mukhang pera kaya nasasabi nyang ganyan din ang babaeng nagustuhan ni Xavier. I'm not like you, not even the slightest bit.

Kalmado lang si Kai na napatingin sa pwesto ko bago uli magsalita."You don't even know her." Alam ni Kai na andito ako kasi pinapunta nya ako kasi may pag-uusapan kaming importante. But then, dumating sya kaya nagtago muna ako sa ibang table.

"I don't need to. She's not worth my time." Tumayo sya at tinignan si Kai."Convince Xavier. Your father and I talked last night, meron din daw syang plano para sa career ni Xavier if ever sasali sya sa company. Sayang naman 'yon. Hindi ka naman siguro selfish para di sabihin sa pinsan mo 'to hindi ba?" Nag-lean sya bigla at hinalikan si Kai sa noo. "I trust you. You're our only child, remember that."

**

CYL's POV

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon