Chapter XLIV (It's a Fact. I'm...)

55.2K 1K 204
                                    

 A/N: I'm back~!!! Sa update na to, wag kayong magagalit kung fast forward. Sinadya ko yan :D

**

[1 week after]

MEI’s POV

“Kai!!! Oooooy!”  Argh! He hung up! >_< After a week, ngayon ko lang sya nacontact tas bababaan lang nya ako?!

Kanina ko na to binato tong cellphone ko kung may pera lang sana akong pamalit! Si Kai kasi... nakakainis! Pati na din si Xavier! Magsama sila kung san man sila ngayon!

Napatingin ako sa tyan ko... (T^T) uwaaaaah~!!! Isang linggo na ang nakalipas, ito pa rin problema ko! Bakit kasi ayaw nyang magpakita sakin?!

“Teh, lika na. Magpalit na tayo para sa PE, kelangan pa nating magpraktis for the last time.” Nagpahila nalang ako ni Cyl papuntang gym. May activity kasi kami sa PE. Dance chuchu yun eh, ewan ko ba.

(T^T) Sa totoo lang, wala na akong paki sa academics ko… ipakita nyo lang sakin si Xavier o di kaya si Kai para matulungan akong hanapin si Xavier! Jusme, kelangan dalawa kaming ipapatodas ng mga magulang ko.

Ayokong mag-isa, di lang naman ako ang gumawa nito dba?

“HUY! Pumasok ka na at magbihis. Aaay nako, pag tayo di makapag-practice…” banta ni Cyl kaya agad na akong pumasok sa pinaka dulong cubicle at...

>___< Waaaaah! Di ko kaya, di ko kayang maging normal kung abnormal na ako! Ay mali, normal naman to pero… magiging abnormal ako pag naging baliw ako sa kakaisip sa dapat kong gawin.

Sinabunutan ko sarili ko sa sobrang gulo ng utak ko. Parang ang sarap ng ipukpok ng ulo ko sa dingding o kaya ilunod ng mukha ko sa inidoro nang magising ako sa dapat kong gawin. 

Seriously, I don't know what to do.

Ano nalang sasabihin ko sa mga magulang ko? Ano nalang sasabihin nila? Na all these years na binuhay nila ako... eto lang isusukli ko? 

Bwiset!!! Bakit kasi di ako tolerant sa alcohol? At bakit pa kasi ininom ko yun?! Sana binuhos ko nalang inis ko sa mismong Eunice na yun kesa dun sa alak. 

“Tapos ka na dyan Mei?” saktong pagkatanong ni Cyl ay tinumba ko ang pinto ng cubicle. -____- Sira na yan kaya tinuluyan ko nalang.

“Wag kang ma-STRONG. Haha-- O.O Teka, ba’t di ka pa nagpapalit?” halatang gulat si Cyl kasi tinigil nya pag me-make up nya. "Tsaka tignan mo yang itsura mo, ba--"

“Di ako papasok." putol ko sa kanya at naglakad papunta sa pintuan. "Kayo nalang magperform. Let the leader mark me absent. May aasikasuhin pa ako.”

Inilapag ko yung paper bag na may lamang costume na binili nila para sakin sa tabi nya at dumiretso na palabas. Pipihitin ko na sana ang ikutan ng pinto nang humarang si Cyl sa harap ko na di man lang ininda yung sobrang puti nyang mukha dulot ng pagpupulbo.

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon