Chapter XV [Bisperas =.=]

69.6K 1.3K 280
                                    

 A/n: Chie! Hoho ^O^ Wala langs! Pero nagulat ako nang idedicate ko sayo to. Si Siwon na pala ang DP mo? Hahaha xD Pano si Heechul? Hahaha xD

**

"Wala na nga sila, wala pa si Johna."

=________=

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatanaw sa kalendaryo na nakasabit dito sa sala. 

December 24. 

Bisperas ng Pasko pero san sila? Wala. Ako lang mag-isa dito sa bahay.

Pero ok lang. Sanay na ako. Nanibago nga lang kasi katatawag lang ni Johna na di sya uuwi ngayon. Mukhang sa ibang bahay sya magpa-Pasko ngayon.

"Peste." nasabi ko habang nagpalipat lipat ng channel. Ito yung pinakaayaw ko pag Pasko eh, puro nalang pampamilya yang pinapalabas nila.

Naiinis ako. Bakit? Kasi matagal tagal na din kaming hindi nagce-celebrate ng Pasko na magkasama. Lagi nalang kami ni Johna, tas ngayon, wala din sya. Oh dba, ansaya? >_>

Nahiga nalang ako sa sofa at pumikit. 

F*ck this feeling. Ganitong ganito din siguro ang mararamdaman ko pag mag isa lang ako at walang --

"Tss." nasabi ko nang may mahulog sa mukha ko. Pagmulat ko, yung picture pala namin =__= Idinikit kasi yan ni Johna sa kisame noon. It was taken 5 years ago. Kumpleto pa naming isini-celebrate ang Pasko.

Naupo ako ng maayos at tinitigan ang picture. Maya maya ay nasipan kong kunin ang gunting at pentel pen na nagkalat sa isang maliit na mesa. And did what I was suppose to do. Tapos inilapag ko nalang ulit sa mesa.

8:56 na ng gabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kumakain. Actually, di ako kumain ng breakfast at lunch. Uminom lang ako ng Milo tas yun na yun.

Hinarap ko ang kusina namin... pero wala eh =______= May ingredients nga, hindi naman ako marunong magluto. Nasanay kasi ako na si Johna ang nagluluto tas ako maghuhugas pag wala sina Mom at Dad.

"Bread and butter nalang..." Haaaayst. Bisperas na bisperas, yun lang kakainin ko?  Yung iba, may noche buena... pero di na ako magrereklamo. Di ko na kelangan nun kung ako lang din naman ang kakain. >_>

Kumuha na ako ng slice bread mula sa supot tapos ay nilagyan ito ng butter. 

Unang kagat ko pa lang,

** Ding dong!

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon