7. Kiligin kayo, ples.

97.4K 1K 87
                                    

                                               7. KILIGIN KAYO, PLES.

NAGISING ako na masakit ang kaliwang panga ko.

Oh, god. Ano’ng nangyari?

Luminga ako sa paligid at ngayon ko lang napagtantong nasa clinic pala ako. Syempre ngayon ko lang talaga mapapagtanto dahil kagigising ko lang. In fact, tulin nga ng pick-up ko, e. Sa ganda, syempre.

Umupo ako. And….. OH. EM. GEE.

May lalaking nakayuko sa bedside kung saan ako nakahiga. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino siya dahil OMG. OMG talaga.

Si Hero!

Mahinang niyugyog ko ang braso niya. “Huy, Hero.” Kaso hindi siya gumalaw kaya inulit ko. “Hero…” Wala talaga. Bangkay na ba ‘to? This time, I shout, “Hubby, WAKE UP!”

Du’n lang siya gumalaw.

“Putragis. Sakit sa tenga, natutulog, e”, nagkamot pa siya sa ulo niya.

Kinikilig ako, eneberr. “Hihi. Gwapo mo po, bagay sa magandang ako.” Kinikilig ako, seryoso. Bagong gising pa siya niyan. Gah. Gwapo every second.

“Kadiri ‘to. Gwapo ako, the end”, narinig ko pa siyang nag-tss bago siya tumayo.

‘Yun lang. Gwapo nga, masakit namang magsalita. Aww.

“Teka nga pala. Pa’no ako napunta rito?”

 

“Sleep walk, brod”, he answered sarcastically.

Sasapakin ko na talaga ‘to. Mas matindi sa ginawa sa’kin ng syota niya.

“Seryoso, Romano. Pwede bang paki-ayos ang sagot?”

 

“Tss.” Pinaka-ayos na siguro ‘yun, ‘no? Pakshet ‘to.

Aalis na sana siya kaso hinila ko siya sa laylayan ng damit niya kaya naman napaupo siya sa kama.

“ANO BA NAMANG PROBLEMA MO?! Binuhat kita malamang!” Irita na siya niyan dahil sumigaw na siya.

“Iyon naman pala kasi umaarte ka pa!” ganting sigaw ko.

Hindi naman na kasi ako papayag na naaapi. Susungalngalin ko siya kahit hindi ko alam kung pa’no ‘yun.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon