17. Ex to Pakners.

83.8K 984 89
                                    

                                                17. EX TO PAKNERS.

ISANG buong linggo kong hindi pinansin si Romano dahil sa nangyaring ‘yun. Grabe lang.

Ngayon nga, hindi ulit ako lumabas para mag-recess kasama ang mga sistars ko, e. Baka kasi makasalubong ko si Romano, mawala bigla ang inis ko. Chot! Meheh. Inis pa talaga ako sa kanya, bwisit siya, ‘no.

“Sabo, pahiram ngang ballpen”, bigla-bigla na lang kinuha ni Mario sa’kin ang G-Tech ko.

“Hoy, Ka Mario! Taghirap ba?! Bumili ka nga ng sarili mong ballpen!” Tumayo ako at sinundan siya sa upuan niya.

Pak!

Binatungan ko nga.

“Anak ng...! Ballpen lang! Boypren mo naman ako dati, ha?!”

 

Wow? “Dati nga, di ba?! H’wag mong sabihing ‘di ka pa nakaka-move-on?! Move-on din, koya! Akin na kasi ‘yang ballpen ko!”

 

“Move-on your face! Ako nga ‘tong nakipag-break sa’yo!”

 

Bigla akong napalingon sa mga kaklase kong nakatingin sa’min. Sh-t...!

“Inunahan mo lang ako, gago! Nahiya lang akong saktan ka, may pagkabakla ka pa naman!”

 

“Halikan kita?!”

 

“Bangasan kita?”

Pero hindi ako ang huling nagsalitang iyon.

Si Romano....

Wow lang. Pinuntahan niya talaga ako ngayon? Hindi na ba siya nakatiis sa isang linggong pambabale-wala ko sa kanya? Hah. Ganda ko nga naman, nakakamiss.

“Waw! Gumagano’n si bespren mo, Sabo, o. Kilig-pwet ka na niyan?”

Isa’t kalahating bwisit lang talaga ‘tong Mariong ito, e. At dahil nakaupo siya sa upuan niya at ako ay nakatayo sa may gilid niya... Tukmol siya, sinabutan ko siya gamit ang dalawang kamay ko.

“Aray! Aray, Sabo, pota!”

Niyugyog-yugyog ko pa ang ulo niya. Talagang binalewala ko lang si Romano.

Unti-unti siyang tumatayo kaya napapatingkayad ako. Jusko naman kaya sa tangkad ‘tong kumag na ‘to!

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon