4. Thanks to Rio ng Grande.

97.1K 1K 75
                                    

                                       4. THANKS TO RIO NG GRANDE.

NAPOPOOT na naman ako.

Hindi ko pa nalalapitan si Hero mula kaninang umaga hanggang matapos ang lunch time. Grabe. Sobra siyang makaiwas, kung hindi lang talaga siya gwapo sinakal ko na siya. Bwiset.

Nakapangalumbaba ako sa desk ko while my legs crossed. Sinu-sway ko ang binti ko kaya tumatama sa stand ng desk ko ang paa ko. Hindi ako nakikinig sa discussion dahil napopoot talaga ako sa Hero na ‘yon.

“Psst!”

Hindi ko pinansin ang sumiitsit na lalaki sa kaliwa ko. Baka sa kanya ko maibunton ang galit ko masapak ko pa siya. Alam ko namang mang-aasar lang ‘yan.

“Psst!”

 

“Uy!”

Hindi ko pa rin siya pinansin. Bwiset, e. Nagka-klase ba naman kung makatawag! Kahit na ba mahina lang siyang sumitsit, nakakarindi kaya! Maingay ang klase dahil may mga nag-uunahan sa pagsagot sa tanong ni ma’am tapos sisitsitan niya pa ‘ko? Kainis.

“Huy! Psst!”

 

La la la. Wala akong naririnig.

“SABO!”

Automatic na napapikit ako kasabay ng pagtagis ng mga ngipin ko at pagtaas sa isang sulok ng itaas na labi ko. Parang on cue na nanlilisik ang mga matang bumaling ako sa kanya sabay sigaw ng… “P-TANGNA MO!”

God, that was so unladylike. As always when I curse my emotion out.

Hindi ko alam kung napalakas ba ang sigaw ko dahil natahimik bigla ang la—

“MS. RUIZ!” sigaw ni Ma’am Gutcho.

Oh-kay. Napalakas nga. Napayuko’t napapikit ako ng mariin. Luuh. Nakakatindig balahibo naman sumigaw ‘tong si ma’am.

Natawa si Rio.

Right! Si Rio ang lokong sumitsit at tumawag sa’kin ng Sabo! Like DUH! S-sa—Sa—EEEW! ZABRINA is the name, for crying out loud!

Binigyan ko muna siya ng humanda-ka-sa’kin-mamaya look. Imbyerna, kung makangiting aso abot hanggang tenga!

Dahan dahan akong tumingin kay Mrs. Gutcho at alanganing ngumiti.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon