5. Ngiti lang, madam.

101K 1.1K 219
                                    

                                                5. NGITI LANG, MADAM.

HINDI ako nakatulog buong magdamag kaya takang taka si Jazz nang puntahan ko ulit siya kinaumagahan. Oo, takang taka. Pa’no mas lumaki eyebags ko. Putek.

May sinat na lang si Jazz pero dahil sabi niya masakit pa rin ulo niya, hinayaan ko munang magpahinga siya. Pero ang totoo niyan, pinalayas niya kasi ako. Mga 8:30 o 9 ata nu’ng pumunta ‘ko sa kanila... Para inabot lang ako ng ala-una pinalayas na ‘ko. Sama.  Buti pa si Bitch, welcome na welcome kay Jax.

Pagkata’s kong puntahan si Jazz, pumunta naman ako kay madam para kunin si Loko.

“MADAAAAAM!” sigaw ko sa buong kabahayan. Lakas ng loob kong sumigaw, ‘di ko naman bahay ‘to. Bakit ba, e, wala naman daw si Tito Kier sabi ng maid. Kaya sige pa... “Madaaaaaaam! MADAAAAAAM!”

Maya-maya, may bumababa nang maganda at chubby’ng babae sa hagdanan.

“Anak ka ng tatay mo talaga, oo. Ba’t ba ang ingay ingay mo? At bakit nakapasok ang isang hampaslupang katulad mo rito sa pamamahay ko? Ano’ng kailangan mo? Pera na naman? Lumayas ka, hindi ka kailangan sa pamamahay na ito! Isa kang suwail! Layas!”

Bigla akong inantok, sa totoo lang.

Naka-poker face at nakataas lang ang gilid ng itaas na labi ko habang nakatingin sa kanya.

Masama ba’ng isiping sarap batukan ng sariling nanay ko? Hamo na, bad boy naman daw ako. Sarap batukan, e. Feel na feel umarte, nagkakandalaki pa mata’t kung makaliyad habang ang baba ng tingin sa’kin. Donyang donyang umasta! Kung minsan nga talaga naiisip ko na lang na baka magkapatid kami sa ina ni Zabrina, e. Parehong ang babaliw. Magkatunog pa pangalan. Zabrina, tapos etong si madam, Zerena. ‘Di kaya mag-ina talaga sila tapos ampon ako? E, ulol ko.

“Ma, ‘di pa rin sawa? Shabu pa!”

Ako nga hindi masawa-sawa, e. Haha. Lagi kasing ganyan salubong niya sa’kin ‘pag pumupunta ‘ko rito sa kanila. Dream niyang mag-artista dati, e. Kontrabida. Kaya nga madam tawag ko dyan.

Napasinghap si madam. OA na singhap. Problema na naman nito?

“Goodness! May sexfest sa condo mo kagabi, ‘no?!”

What the f-ck? Sexfest??

“Ma, sabi ko naman sa’yo h’wag kang maghinayang na itapon ‘yang mga rugby na nakatago sa’yo. Itapon mo, h’wag mong singhutin!”

“Hoy, lalake, hindi ako nagbibiro! Pinapayagan kita sa mga flings and flavor of the days mo dahil dugong manyak kayo ng tatay mo, naiintindihan ko, pero h’wag namang sexfest! Baka maikalat mo ang AIDS mo!”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon