9. Sorry, Daniel Padilla.

98.7K 1K 77
                                    

                                         9.  SORRY, DANIEL PADILLA.

RECESS, at nakatambay kami sa Function Hall. Hindi ako maka-focus sa kwentuhan ng barkada. Bukod sa iniisip ko ‘yung nangyari kahapon….. Hindi ‘yung revenge ko kay Mia dahil okay na ang pagkapahiya niya. Naging tampulan lang naman siya ng bulung-bulungan sa loob ng maghapon.

Ang iniisip ko kasi talaga….. e, kung kilala ba ako ni Daniel Padilla....................

                                                                 ——

UMUWI akong nanlulumo at the same time kinikilig. Hehe.

 

Si Romano kasi! Ang pakipot pa, ililigtas din pala ako!  Pinutol ko na ‘yung memory card ni Joycei at tinapon. Pinadala ko naman kay Manong Seol ang cellphone sa bahay nila Joycei. Baka akusahan pang magnanakaw si Romano ko, mahirap na.

 

Nagdiretso ako sa kwarto ko at laking gulat ko nang matuon ang pansin ko sa kama ko.

 

My bed is full of small white teddies! Itong ito ‘yung mga gustong gusto kong pakyawin sa catch kanina!

 

OMG! Bakit nandito ang mga ito? Sinundan ako? Pati ang stuffed toys nabighani sa ganda ko? OMG!

 

Dali-dali akong tumalon sa kama ko at pinagyayakap ang mga white teddies na nandito. Gaah. They’re really very adorable!

 

Pero kanino galing ito?

 

Dali-dali rin akong lumabas ng kwarto ko.

 

“Yadaaaaa!” tawag ko sa yaya ko na si Yaya Candida mula sa itaas. Yada ang tawag ko sa kanya dahil since birth siya na ang nag-alaga sa’kin. Walang konek? Wala kasi talaga. Ay, meron palang konti. Utal kasi ako noong bata ako dahil normal lang ang utal ‘pag hindi pa diretso ang salita. Yada ang tawag ko sa kanya kaya nadala ko na hanggang paglaki ko. Bumaba ako kasi mukhang hindi ako narinig ni yaya. “Yadaaaaa!” Natagpuan ko siya sa kitchen, naghihiwa ng watermelon.

 

“O, anak. Bakit?”

 

“Yada. Kanino galing ang mga teddies na nanduon sa kwarto ko?”

 

“Ah, iyon ba? May dumating kaninang lalaki rito. Ilagay ko na lang daw iyong mga ‘yon sa kwarto mo. Hindi naman nag-iwan ng pangalan pero ang sabi, magkakilala raw kayo”, at pinagpatuloy niya na ang paghihiwa sa watermelon.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon