~Friends~

55.7K 879 194
                                    

                                                ~FRIENDS~

SA condo muna sila ni Hero nagtuloy after ng EK trip nila.

Nagtake-out na lang sila tatlong box ng pizza at dalawang bucket ng chicken, tsaka drinks.

“Ano sa tingin n’yo, guys? Pasa tayo story kay Sir Tripp. Di ba sabi niya exempted daw sa periodic niya tsaka sa English ang magpasa? Malay n’yo ipwera n’ya rin tayo sa acting acting na ‘yon. ‘Yoko umarte sa stage, e”, sabi ni Tom habang namumungalan sa kinakaing manok.

Busy kasi sa paglamon ang boys habang may sariling usapan naman ang girls tungkol sa update daw ng isang story sa wattpad.

‘Di nga makarelate mga lalaki, e. Basta alam nila story pinag-uusapan ng mga ‘yon. Kaya nga siguro naipasok ni Tom ‘yung kay Sir Tripp.

Mukhang okay naman dahil napatingin kay Tom ang mga babae pati mga lalaki.

“Sus. Pa’no kung hindi magustuhan? Edi, sayang lang sa effort”, Cade.

“Duh, kaya nga may 2 pages summary lang muna, e”, Heidi.

“Anong story naman?” Gav.

“Ewan ko. Mag-isip kayo. Kayo matalino, e”, Tom.

“Kuha tayo sa wattpad! HI HI HI.” Nakakaloko naman ‘yung tawa ni Kimmy.

“Tapos, ano? Plagiarism unang scandal ng school natin, gano’n?” Lizzy.

Napanguso na lang tuloy si Kimmy.

“Dapat original kahit cliché. Basta dapat ‘yung makakarelate mga kabataan”, Gav.

Nag-isip saglit ang lahat. Pwera kay Hero at Kimmy na busy sa paglamon.

“Edi, ano. May magbestfriend na boy and girl na nagkainlove-an tapos nu’ng nagkaaminan, nag-iwasan. Yung boy kasi may girlfriend kaya umiwas. Tapos, edi syempre nasaktan si girl. Move on ang peg. Tapos nu’ng may manligaw kay girl, nagselos si boy. Tapos narealize ni boy na mas mahal niya si bestfriend kaysa kay girlfriend kaya nakipag-break—“

 

“Ah, Heidi?” biglang awat ni Hero kay Heidi kahit namumungalan. “Hindi pa kami break ni Jazz.”

 

“Ah, Hero? Kwento mo ba ‘to? Ano, medyo assumero?” malapad na nginitian pa ni Heidi si Hero.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon