11. Missing Zabrina.

76.6K 1.2K 285
                                    

Dedicated to my babe Lanceyw. Wala talaga 'kong maisip na update pero dahil sa kanya nagkaidea ako. Thank you ulet babe! Baho mo 

                                               11.  MISSING ZABRINA.

EWAN ko. Gaya ng sabi ni Gav, nagpalipas muna ‘ko ng ilang araw para pag-isipan ang lahat.

Pero wala, e. Parang niloloko ko lang sarili ko ‘pag si Jazz kasama ko. Ta’s isipin na nakakapoints si San Rio kay Zabrina habang ako bokya? Tangina, daya.

Tunog nang tunog cellphone ko, puta. Puro mga unknown number naman. Sa’n ba nakukuha ng mga ‘to number ko? Tangina parang virus laganap na ata sa buong sangkababaihan, e. Pero ‘yung isang babaeng hinihintay kong magtext ‘di man lang magtext. Gago lang. Inaasahan ko talagang unang magtext?

Ewan ko. Katext ko naman si Jazz kanina. ‘Di ko na nga nireplyan, naeewan kasi ako. Sabihin ko na lang nakatulog ako.

Chill nga muna. Time out muna sa pagkamiss kay Zabrina.

Ulul. Sino’ng niloko ko?

Tinuon ko na lang pansin ko sa mga alaga ko. Pinapasyal ko kasi si Loko’t Zabrina. Tangina namaaan. Isang tingin lang kay Zabrinang aso, Zabrinang tao agad naaalala ko, e. Pa’no ba ‘to?

Karga ko si Zabrina habang si Loko, ayun, hawak ko lang tali habang umiihi sa pader. Hamo siya, wala namang sign na bawal umihi.

May nagtext na naman. Chx na naman ba ‘to? Puta. Makapagpalit na nga ng sim!

Pero pagtingin ko, si Prix pala.

[TOL!]

Tngina sa capital letters. Galit ba ‘to?

[Ano]

 

[Pakyu ka ba? Tngina mo lumabas ka nga]

 

Gago pala ‘to, e. Ba’t ako lalabas, e nasa labas ako.

Ay puta. Nasa condo ko na naman mga ‘yon?

[Sa labas ako gago]

 

[Saan? Puta code kase parang di kaibigan!]

T-nginang mga ‘to. Makikipasok na nga lang sa bahay ko demanding pa.

[Ano ba gagawin nyo dyan ala naman ako dyan]

 

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon