4. Guess who?

38.5K 663 219
                                    





4. GUESS WHO?

"OH, my God. Oh, my God." Parang mauubusan ako ng hininga sa sobrang pagka-paranoid ko. Hinatak ko ang mga kaibigan ko sa rooftop pagkatapos na pagkatapos ng klase ni Sir Tripp. Hindi ako makapaniwala. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala.

"Guys, this is sick! This is.... Someone's playing with me!" Hinarap ko silang apat. "At sino sa inyong apat 'yon?"

Sila lang naman kasi ang may alam ng operation ko, di ba? I mean, bukod sa G6 at kay Rio, sila lang naman, di ba? So, isa sa kanila or isa sa G6 or pwedeng si Rio. No, Rio knew just a little. 'Yung operation ko lang ang alam niya and then wala na. So tanggal na si Rio. Isa sa barkada or sa G6 na lang. Or pwedeng lahat sila! Sh-t, this is driving me crazy!

"Whoa... Wala akong alam d'yan, Zabby, ha!" depensa agad ni Kimmy.

"Me neither. I don't have that much time, you know, to make a story. Katamad 'yan, 'te," sabi naman ni Heidi.

"Plus, boring," Lizzy.

Last na si Cath. Oh, my God, pag hindi pa si Cath... "Cath?"

"Zab, I am your best friend. Tingin mo gagawin ko sa'yo 'yan?"

Napaupo ako sa sobrang panghihina. Napahilamos ako sa mukha ko. Nakalimutan kong dapat 'wag harsh sa mukha ang secret sa pagiging maganda pero napahilamos pa rin ako sa mukha ko sa sobrang frustration ko. Hard pa. Sh-t.

"Kung hindi kayo, sino??" Jusko, mababaliw ata ako.

"Baka naman may iba kang napagsabihan ng operation natin?" tanong ni Heidi.

"Baka naman may iba kayong napagsabihan ng operation natin," balik ko sa kanila.

"Zab, hindi nga namin magagawa sa'yo 'yon. It'll be like backstabbing you," paliwanag ni Cath.

"Aren't you?"

"Ouch, Zab. Ouch," Heidi.

Napapikit na lang ako. This is so frustrating.

"Come on, guys. Kayo lang ang kaibigan ko. Wala akong ibang pwedeng pagsabihan. You know that." I don't just go and tell what's going on with my life to someone. That's pathetic.

Kung hindi sila, sino 'yung anon na 'yun?

"Zabrina!"

Napatingin ako nang biglang kumalampag ang pinto ng rooftop at may biglang nagsalita galing sa likod namin.

"Romano!" Napatayo ako. Kasunod ni Romano ang mga kaibigan niya.

"What the f-ck was that?! Kayo ba ang may pakana no'n?"

Whoa... "Are you kidding me? Hindi mo ba nakikitang malapit na 'kong mabaliw rito?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Wait... Baka naman kayo ang may pakana no'n?" balik ko sa kanya.

"Ba't ko gagawin 'yon? Uhaw ba 'ko sa atensyon?!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Romano at sa paraan niya ng pagkakasabi no'n.

"Are you saying na uhaw ako sa atensyon?"

"Are you saying na ikaw ang anonymous na 'yon?"

"NO!!!"

"THEN NO!"

Sasagot pa sana ako pero naubusan na 'ko ng bala. Pareho lang nanlilisik ang mga mata namin sa isa't isa.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon