7. M.U ba kamo?

74.9K 1.1K 293
                                    










                                                     7. M.U BA KAMO?


PAGGISING ko, nakita ko agad si Zabrina. Titig na titig siya sa mukha ko kaya napangiti ako.

Kung ganito ba namang siya lagi ang makikita ko pagmulat ng mga mata ko, matutuwa talaga ‘ko.

I kissed her nose. “Good morning, Zabrina.”

Nakatulala lang siya sa’kin na para bang nagtataka siya kung ano ‘yung sinabi ko. Napangiti ako, seryoso.

“Like...... seriously??”

Napatingin ako sa nagsalitang ‘yun. Tss. Binalik ko na lang kay Zabrina paningin ko.

Ngingiti-ngiti ako. T-ngna, bakit ngingiti-ngiti ako? Sht.

“Romano, ano ba? I’m here! And that is Bitch!”

Sinamaan ko ng tingin ang taong Zabrina. “You don’t call her Bitch. She’s Zabrina.”

Hindi makapaniwalang napabuga-buga siya ng hangin.

 

“Buti pa ‘yung aso pinagtatanggol mo! Seriously?! Zabrina talaga? Bakit kailangang kapangalan ko? You want me to kill you?” Kulang na lang sunggaban niya na ‘ko sa itsura niya. Haha. Aga aga, highblood nitong babaeng ‘to.

“Problema mo? Sabi mo kagabi isipan ko ng magandang pangalan?” Sumbat ko sa kanya.

Bigla siyang natigilan. “O-oo nga... M-maganda..... Zabrina... Ako si Zabrina... Maganda....” Pipikit-pikit pa siya. Ganu’n talaga siya ‘pag napapaisip, ‘no? Cute. “But, what the heck? Matutuwa na sana ‘ko na tanggap mo nang maganda ako pero never ko pang narinig na tinawag mo ‘kong Zabrina, tapos ‘yang aso na ‘yan gumu-good morning ka pa? That’s just unfair!!”

“Who says life’s fair?” Umiling na lang ako tsaka tumayo. Aga-aga magbunganga nito. “Ingay-ingay mo, nakukulili ako sa’yo. Buti pa si Zabrina the pet... Zabrina the pet? Tapos ano ka? Zabrina the best?”

Bigla siyang parang namula sa sinabi ko.

“O, joke lang, ‘wag kang kinikilig dyan”, dagdag asar ko.

This time, napangiti na talaga siya. Lapad, sht. Adik ata ‘to, e. Simpleng ganu’n napapangiti?

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon