5. Gone boy.

34.5K 669 158
                                    

5. GONE BOY.

“ARE you serious?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Romano.

Pero ‘yung ngiti niya, mas lalo lang lumapad.

Holy sh-t.

“Are you serious??” ulit ko na mas mataas ang tono.

Pero imbis na sumagot, tumawa lang si Romano.

“Ikaw nga?!” hindi makapaniwalang bulalas ko.

Siya nga si Anonymous?!

“Anong ako nga? Baka ikaw nga,” natatawa-tawa pa ring sagot ni Romano.

 

“What?”

 

“O,” tsaka niya inabot sa’kin ang phone niya.

Tumingin ka sa paligid mo. Nakikita mo ba? Maganda ako, di ba?

-Anonymous

Para akong nabunutan ng tingang grabe kung makasiksik na buong araw ko nang tinatanggal pero ngayon lang natanggal.

I thought it was him. Thank God.

“He’s toying with us,” Romano said through gritted teeth, he was still smiling, but I know, nagtitimpi na lang ‘yan, “He’s f-cking toying with us.”

 

Napabuntong-hininga na lang ako. “I know. He’s creepy. Really, really creepy.”

 

“Para siyang may mata kahit sa’n tayo magpunta. Feeling ko talaaga, si Gav. Kanina, kila Tom, nahuli lang kaming dalawa ni Gav, pagdating namin, pinaghinalaan na kami ng barkada. Tapos may pinakita silang text sa’min. Na hindi lang daw nila kami kasama, pinaghinalaan na raw nila kaming dalawa. Tapos, sige raw, hulaan nga raw nila kung sino sa’ming dalawa. Tang-ina. Kagago, puta.”

Oh, my God. Katulad ng nangyari sa’min!

“Tangina, alam ko namang hindi ako ‘yun, e. Kaya ang hula ko talaga, si Gav,” dagdag pa ni Romano, “Pero, puta, hindi naman alam ni Gav kung nasa’n ako ngayon, e. Walang may alam kung nasa’n ako ngyon,” tapos bigla siyang tumingin sa’kin, “maliban sa’yo. Kaya ikaw ngayon ang hinala ko.”

“W-whoa... Romano, nakita mo ba ‘kong nag-type sa phone ko? I wasn’t even holding my phone, it was on the table when we received both  messages!”

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon