4. Sino ako?

85.1K 1K 244
                                    

Nagtataka ako kung bakit maraming nagugulat sa dalas at tindi ng pagmumura ng mga characters lalo na ni Hero. Uhm, guys? ‘What the f-ck?’ daw sabi ni Hero.





                                                        4. SINO AKO?

SINAMA ko si... Bitch. Hehe. Bakit ba. Tsaka ko na lang siya iisipan ng magandang pangalan. Since babae naman siya, si Bitch muna siya.

Sinama ko siya sa bahay nila Jazz. Syempre, hindi ko pa na-train, baka ‘pag iniwan ko sa condo, magparty-party mag-isa du’n, gagawin ko siyang pulutan, birthday ko pa man din bukas.

“Uy, p’re!” Tumakbo kaagad sa’kin si Jax at iniwanan ang gadget na hawak nu’ng makita ‘ko. “Wow, new dog! Can I?”

 

Binigay ko sa kanya si Bitch kaya ayan, masaya na siya. Malamang bored na ‘to kanina pa. Walang pasok, e.

“Ano’ng name, pare?”

Napa-isip akong bigla. Alangan namang sabihin kong Bitch sa bata na ‘to, ‘no? “Ano....” Isip! Dali! “Uh.... Luka.”

Kunot-noong tinignan ako ni Jax. “You’re so weird, pare.”

 

Tengene. ‘Yung Loko kasi okay pa, e. ‘Yung Luka ang weird pakinggan! Hahaha. Itong si Jax kung maka-weird naman. Cute talaga.

Nahilig sa aso si Jax dahil sa’kin kaya nga ayan, mukhang nakalimutan nang nandito ‘ko. Nilaru-laro na si Bitch.

“P’re, nasa’n si ate?”

“Up! Sungit-sungit.” Nagpout pa si Jax.

Napangiti na lang ako. Masungit kaya talaga ‘yung si Jazz ‘pag badtrip. Siguro meron ‘yon. O talagang galit lang sa’kin? Tsk-tsk.

“Puntahan ko lang si sungit. Dyan ba si papa’t mama mo?” Syempre, babatiin ko man lang kung nandyan.

Sunod-sunod na umiling si Jax. “Work.”

Napangiti na lang ako. Cute talaga ni Jax.

Tito Jack and Tita Claire and my dad are good friends. Kaya nga naging close kami ni Jazz kasi siya lang kaibigan kong Pilipino du’n sa America. Tsaka, naiintindihan kasi namin ni Jazz ang isa’t isa. Parehong hiwalay ang mga parents namin at may ibang pamilya. Si Jax, kapatid niya lang sa tatay kaya nakatira siya ngayon kasama ang mama ni Jax which is Tita Claire. May ibang pamilya rin kasi mama niya. Ako naman, si Marianne, kapatid ko lang sa nanay. E, hindi ako komportable sa papa ni Aya kaya bumukod ako. Sobrang close namin ni Jazz kasi magkapit-bahay kami sa America. Parang dalawa tuloy bahay namin. Pabalik-balik lang kami sa bahay ng isa’t isa kaya nga akala nila dad at Tito Jack kami, e. Kung ‘di lang dahil sa pagiging babaero ko. Ngayon umuwi na sila dito kaya sumama ako. Si dad andu’n pa rin, naiwan. May girlfriend naman siya du’n, manang mana sa’kin, ‘di nauubusan.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon